Super Tekla may oras para sa lechon

Tekla

Ang bait naman ni Super Tekla. Dahil gusto ni Pinky Tobiano-Robles na makita nang lahat na walang dapat ikatakot sa  African Swine Fever, nag-request siya ng mga artista na pupunta sa kanyang lechon boodle fight na ginanap kahapon sa basketball court ng Qualibet office sa Porject 7, Quezon City.

Ang Qualibet ang laboratory na pag-aari ni Pinky na nagsasagawa ng testing sa lahat ng mga pagkain at tubig para makita kung safe ito.

Sa September 25 na ang showing ng Kiko En Lala sa mga sinehan kaya napakaraming activities na ginagawa ni Super Tekla na aligaga sa promo ng kanyang launching movie pero naisingit niya sa busy schedule ang lechon boodle fight ni Pinky.

Dapat yata na magkaroon ng block screening si Pinky para sa pelikula nina Super Tekla at Kim Domingo. Why not? Puwedeng treat ni Pinky  sa employees niya ang block screening ng Kiko En Lala.

Sure ako na matutuwa ang mga empleyado ng Qualibet dahil ibang-iba talaga ang comedic appeal ni Tekla na malakas ang hatak sa mga tao.

Thank you Rose Conde at Super Tekla sa pagtanggap sa imbitasyon ni Pinky. Basta, sure ako na mamahalin ng lahat ang Kiko En Lala at masusundan pa ito ng maraming project.

Afraid sa biyahe...

Sayang dahil hindi pala lumuluwas ng Maynila ang tatay ni Super Tekla dahil ang feeling niya, mamamatay siya kapag nagpunta sa siyudad.

Kung hindi afraid ang tatay ni Super Tekla na bumiyahe, anytime, puwedeng-puwede siya na lumuwas sa Maynila para suportahan ang Kiko En Tekla, ang launching movie ng kanyang anak.

Pero masuwerte ang ama ni Super Tekla dahil siya ang priority ng anak niya.

Naka-monitor si Super Tekla sa kalusugan ng tatay niya at kahit ano ang gusto nito, nagpapadala siya sa probinsya.

I’m sure, proud na proud kay Super Tekla ang kanyang ama dahil sa mga achievement niya sa showbiz. Sino ang mag-aakala na sikat na ngayon ang bata na dating biktima ng bullying dahil sa itsura niya?

Ganda ng maynila makita sanang muli

As usual, ako ang pinakamaaga sa mga invited sa kasal ng anak ni Malou Martinez na si Ice sa Manila Cathedral noong Biyernes, September 20, 2019.

Kaloka talaga dahil imposible naman na sa isang iglap, maaayos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang decay na nangyari sa siyudad.

Na-sad ako para sa Quiapo church area, Avenida, Raon, Carriedo, Metropolitan Theater at Mehan Garden na part ng growing up years namin ni Douglas Quijano.

Nabuo sa mga lugar na ‘yon ang aming mga pangarap at ‘yon din ang nilalakaran namin noon nina Mother Lily Monteverde.

Nakakalungkot nang makita ko ang mga nasabing lugar. Bakit ganoon? Bakit pumangit nang ganoon?

Kailan nag-start ang decay? Kailan at bakit hindi napansin ang pagkasira? Bakit pinaabot nang ganoon katindi ang  destruction?

Wow, nag-umpisa ang halos lahat ng dreams namin sa mga lugar na binanggit ko. Naglalakad kami na feeling safe at tuwang-tuwa kami sa Mehan Garden.

Now, matagal bago maayos ang lahat ng ‘yan. Wish ko nga, makita ko uli ang beauty ng Manila, makita ko uli ang mga lugar na ‘yon at maglalakad uli ako roon to relive the memories. Please Mayor Isko, do it. Forever grateful ako kapag naibalik mo ang lost glory ng Maynila. Umaasa ako.

Show comments