Angel Locsin
Angel tigil muna sa paghahanda sa kasal
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

Kahit abala sa taping ng The General’s Daughter si Angel Locsin ay may panahon pa rin sa pag-aasikaso para sa kasal nila ng kasintahang si Neil Arce. Matatandaang nag-propose na kamakailan sa aktres ang binata at nakatakdang magpakasal sa susunod na taon.

Sa ngayon ay tumigil muna raw si Angel sa mga dapat asikasuhin para sa nalalapit nilang kasal ng nobyo. “Nag-stop muna kasi. Kasi masyado yata kaming advanced. Sabi ng wedding planner namin, kami lang daw ‘yung ganitong kabilis kumilos. Siguro alam lang namin kung ano ang gusto namin,” nakangiting bungad ni Angel.

Punung-puno ngayon nang maaaksyong eksena ang nasabing serye kaya para sa aktres ay kailangan niya itong tutukan at isantabi muna ang tungkol sa kasal.

“Relax lang muna. Maybe after The General’s Daughter, mas matutukan ko pa siya, pero sa ngayon wala pang changes sa mga ideas,” paglalahad ng dalaga.

Hindi pa makapagbigay ng detalye si Angel kung sa Pilipinas o sa ibang bansa magaganap ang pinakaaabangang pag-iisang-dibdib nila ni Neil.

“Honestly, hindi namin masabi. Malalaman n’yo na lang siguro,” pagtatapos niya.

Jane, nag-donate ng premyo sa Bantay Bata 163

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Jane de Leon para sa pelikulang Darna na kanyang pagbibidahan. Kabi-kabilang training ang ginagawa ng dalaga para magampanan nang maayos ang nasabing iconic character.

“Ngayon nagte-training ako for body muna, assessments. Hindi pa ako nakakapag-stunt training. ‘Yung mind, spirit, emotionally kailangan din ‘yon, hindi naman puro body lang. Nagtatanong din naman ako kay direk (Jerrold Tarog) kung may kailangan ba akong malaman for this project,” bungad ni Jane.

Samantala, noong Sabado ng gabi ay nasungkit ng baguhang aktres ang special award na ipinagkaloob ng isang sikat na beauty clinic sa ABS-CBN Ball.

Marami ang nagulat dahil ibinigay ni Jane ang kasamang premyo na P150,000 sa Bantay Bata 163 para sa Bantay Edukasyon program nito. “I really want to help Bantay Bata especially Bantay Edukasyon para makatulong talaga na matapos ‘yung pag-aaral nila. It’s really important kasi mga bata ‘yan eh, nangangarap ‘yan. Hindi natin alam kung nasaan ‘yung mga magulang nila at kung ano ‘yung mga gusto nilang gawin para sa buhay nila in the future. Mas maganda na maging ehemplo tayo para mas makatulong sa kanila,” paglalahad ng dalaga.

Para kay Jane ay mahalaga para sa isang bata na pagbutihin at makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon nang maayos na buhay balang araw.

“Think about yourself and huwag na huwag n’yong pababayaan ‘yung sarili n’yo. Importante ‘yung pag-aaral. Always listen to your parents and don’t forget to pray,” mensahe ng aktres para sa mga kabataan.

(Reports from JCC)

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with