Juday ipasusubasta ang dalawang ball gown

Judy Ann Santos

Nag-decide si Judy Ann Santos na i-auction ang sinuot niyang gown sa ABS-CBN Ball 2018 and 2019.

“I will auction this Yong Davalos black gown and this Oscar De La Renta emerald green gown beginning today, for Bantay Bata. Standby for bidding details. Thank you!,” sabi ni Juday sa isang video na uploaded sa kanyang Instagram account.

Ang Oscar dela Renta na sinuot niya sa ABS-CBN Ball 2018 ay P50,000 ang starting price habang ang black gown na sinuot  niya last Saturday ay P20,000 ang starting price sa bidding.

Ayon ka Juday ‘yun ay para mas makatulong pa silang mag-asawa, Ryan Agoncillo, sa Bantay Bata 163 at para kay Ms. Gina Lopez.

 

Show comments