Perry malayo sa barok style ko sa pagma-manage!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2019 - 12:00am

Tawa ako nang tawa sa 10th year anniversary celebration ng PPL, ang talent management company ni Perry Lansigan.

Talagang corporate na corporate ang managing company ni Perry dahil may office at staff siya samantalang ako, for a time, ang dami kong talents pero never na nagkaroon ng opisina at sina Gorgy at Belinda lang ang staff members ko.

Hindi ko nga maisip  kung paano ako naka-survive as talent manager dahil  sa mga kagagahan ko. Barok na barok ang style ko, walang coordination, at kaloka pagdating sa schedules ng mga alaga ko.

Lucky spoiled Asian lang ako kahit crazy kaya hanggang ngayon may mga talent pa ako.

Inggit tuloy ako kay Perry dahil talagang manager na manager ang dating  niya at mahal na mahal siya ng kanyang mga talent. Mabait kasi at professional si Perry kaya bumubuhos sa kanya ang tagumpay. Love you Perry and congrats, basta kampi ako sa’yo.

Trailer ng The Gift nakakaiyak!

In fairness, naiyak ako sa ipinakita na trailer ng The Gift sa presscon nito noong Lunes.

Very touching ang mga eksena nina Jo Berry at Elizabeth Oropesa at nakakatawa naman ang ilang mga scene na kinunan sa matatao na lugar ng Maynila tulad ng Quiapo at Divisoria.

Maganda ang premise ng  bagong teleserye ng GMA 7 na mapapanood simula sa September 16  at tiyak na magugustuhan ng televiewers.

Sana ma-sustain nang husto at huwag lumaylay ang istorya ng The Gift na challenge sa creative team ni Helen Sese.

Maganda talaga ang mga unang eksena na ipinakita sa presscon ng The Gift at huma­nga ako dahil nakapag-taping sila sa crowded areas ng Maynila.

I really like what I saw sa bagong television series  ni Alden Richards na suportadung-suportado ng GMA 7.

First time ni Jo Berry na dumalo sa presscon na kasama niya ang kanyang ina at kapatid.

Kitang-kita na proud mother ang nanay ni Jo dahil sa achievements ng kanyang anak. Kinunan niya ng video ang introduction kay Jo bilang isa sa mga cast member ng The Gift.

Normal na normal ang height ng nanay ni Jo samantalang gaya ng aktres, little person din ang kanyang kapatid na lalake.

Carbon copy ni Jo ang kapatid nito kaya hindi maipagkakaila na magkamag-anak sila.

Si Jo ang gumaganap na nanay-nanayan ni Alden sa The Gift. Sa Onanay, nanay din ang role ni Jo kaya gamay na gamay na nito ang ginampanan na karakter.

Si LA Madridejos ang direktor ng The Gift. Inamin ni LA na nahirapan sila na mag-taping sa Divisoria dahil mahirap makontrol ang napakaraming tao na type na makita nang personal si Alden.

Nakakaloka ang kuwento ni LA na sumuko ang mga pulis na nagbabantay sa taping dahil sobrang pasaway ng mga nag-uusyoso.

Naranasan din ni LA at ng staff ng The Gift na mamura ng mga vendor na nagagalit. Sa dami kasi ng mga nanonood ng taping, hindi makapagtinda nang maayos ang mga vendor na may morning at night shift.

Mapapanood sa The Gift ang bagong anyo ng Divisoria at ng ibang parte ng Maynila na ipinalinis at ipinaayos ni Mayor Isko Moreno.

THE GIFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with