Claudine, tinawag na Angelina Jolie ng ‘Pinas

Claudine & Baby Noah

Finally, pinakilala na ni Claudine Barretto ang bago niyang anak. Pang-fourth na actually. “Meet My Noah Joaquin my Palanggas. Truly Gods gift. i am now Complete as a Mother. im so BLESSED BEYOND WORDS! We Praise you Lord, Abba Father,” habang hawak ang anak sa picture sa IG.

Pang-fourth baby na ng inactive actress si Noah. Kaya naman tinatawag na siyang Angelina Jolie ng Pilipinas. Anim ang anak ng naghiwalay na mag-asawang Angelina and Brad Pitt - Maddox, Pax, Zahara (na pawang mga adopted) and Shiloh, Vivienne and Knox (biological children).

Sina Sabina, Quia, and Noah ang mga naunang adopted ni Claudine plus Santino na biological kid nila ni Raymart Santiago. 

Marami ang bilib kay Claudine dahil nga sa kabila nang lahat na wala siyang raket lately, nagdagdag na naman siya ng anak.

Literal na magastos magkaanak. Hindi biro.

Sa gatas pa lang at yaya, kailangan na ng malaking budget.

Or probably maraming naipong datung si Claudine noon kaya afford na afford niyang mag­dagdag ng anak.

Saka andiyan naman ang sister niyang si Gretchen if ever at nakasuporta. Common knowledge na sobra-sobra ang datung ni Gretchen sa kasalukuyan sa piling ng negosyanteng si Tony Boy Cojuangco.

Show comments