Heart bagong brand ambassador ng IAM Worldwide

Heart Evangelista

MANILA, Philippines — Nadagdagan na naman ang endorsement ni Heart Evangelista.

Napili siyang brand ambassador ng IAM Worldwide, isang networking company na hangaring baguhin ang health, prosperity, and balance ng mga tao. Nais nitong i-enrich ang kanilang customers, distributors, employees, maging ang community sa pagbibigay ng best-in-market business opportunities.

Kilalang metikulosa si Heart pagdating sa mga produkto at kumpanyang kanyang ineendorso. Ibig sabihin nito ay talagang na-convince siya ng newly-established company sa hangarin nitong baguhin ang buhay ng mga tao.

Pumirma ng kontrata si Heart bilang brand ambassador ng IAM Worldwide noong August 6 na ginanap sa  Manila House Private Membership Club. Kasama ni Heart ang GMA Artist Center team led by Simoun Ferrer.

Present din sa ginanap na contract signing ang IAM Worldwide executives na pinangunahan nina VP Aika Lorraine Uy and President Allen Marvin Eder. Nagsilbi rin itong selebrasyon para sa awards at citations na nakuha recently ng IAM Worldwide team from the Asian Networkers Convention and Expo (ANCE).

Show comments