^
Alex nadagdagan ang haters dahil kay Julia?!
Alex

Alex nadagdagan ang haters dahil kay Julia?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

Buti na lang at palipas na ang isyu kina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto kung hindi ay baka na-bash na naman ang huli na tila walang pakialam at relax lamang sa Hong Kong na kung saan ay namataan silang magkasama ni Alex Gonzaga.

Ito ay sa kasagsagan ng protesta sa HK na maraming Pilipino ang natakot at gusto nang makauwi agad ng Pilipinas pero, parang walang paki ang dalawang artista na nagbabakasyon.

Malamang din na madagdagan ang mga hater ng kapatid ni Toni Gonzaga dahil sa friendship nito with Julia na maraming hates and bashings ang tinatanggap dahilan sa kinasangkutan niyang love triangle. Tsk. Tsk. Tsk.

Heaven wala sa hitsurang nasaktan sa hiwalayan nila ni Jimuel

Sayang naman at hindi gaanong nagtagal ang relasyon ng anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel Pacquiao at ng artistang si Heaven Peralejo.

Balitang hiwalay na ang dalawa pero, ayaw itong kumpirmahin ng batang artista at pinamamahala sa ex ang pagkumpirma sa split nila.

Ang tanging itinatanggi niya ay ang bintang na piniperahan niya at ng kanyang pamilya ang nakakabatang Pacquiao. Meron nga naman siyang trabaho at kayang magtaguyod ng kanyang pamilya. Tama lamang na gumastos si Jimuel kapag lumalabas sila dahil ito ang lalaki pero, unfair na pagbintangan siyang nanggagamit at nananamantala ng pera nito at hindi rin niya masagot kung hindi boto sa kanya ang mga magulang nito dahil maganda naman ang pakikiharap nila sa kanya.

Baka bunga lamang ang paghihiwalay nila ng isang away na regular na sa mga magkaka-relasyon, baka rin bukas makalawa ay bati na sila, wala naman sa hitsura ni Heaven ang may iniindang sugat ng puso.

Geoff hindi na mataba

Baka ngayong nakabalik na si Geoff Eigenmann sa kanyang trabaho sa TV ay matuloy na ang kasal nila ng girlfriend niyang si Angeli Mae Flores o Maya, isang singer ng Star Music at ina ng kanyang dalawang anak na babae.

May ilang panahon ding nawala sa kanyang pag-aartista ang anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa dahil tumaba ito.

Fit na fit na nga siya sa kanyang pagbabalik at dahil namana naman ang talento ng kanyang pamilya sa pag-arte, maraming magagandang proyekto ang ini-line up ng Kapamilya para sa kanya, kasama na ang The Killer Bride, bagong serye ni Maja Salvador at ng bagong tambalan nina Joshua Garcia at Janella Salvador.

ALEX GONZAGA JIMUEL PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with