Male personality pinagdamutan ang kamag-anak na kinapos
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2019 - 12:00am

Nu’ng mga panahon pala na hindi pa kinakasihan ng kapalaran ang isang kilalang male personality ay nakitira siya nang maraming taon sa isang kamag-anak nila. Mayaman ang pamilyang tinirhan nilang mag-ama.

?May sarili silang kuwarto ng kanyang ama sa parang mansiyon na bahay ng mayaman nilang kamag-anak, tumutulong siya sa malaking negosyo ng pamilya, bayad ang kanyang serbisyo.

?Kumpleto ang detalyeng ikinuwento ng isang source, ang sabi nito, “Kilalang-kilala siya sa lugar kung saan siya tumira nang maraming taon. Hindi niya ‘yun puwedeng ipagkaila.

?“Napakalaki ng naitulong sa kanya ng pamilya, ‘yun ang ikinabuhay niya, bago siya naging artista. Sinuwerte naman siyang makilala dahil in fairness, magaling naman kasi siya.

?“Artist talaga siya, hindi lang basta artista, dahil marami siyang alam gawin. Pero masama ang loob sa kanya ng mga kamag-anak niya,” bitin na kuwento ng aming impormante.

?Nagkaroon ng problema ang negosyo ng mga kamag-anak ng male personality, kinailangan nilang lumapit sa aktor na natulungan nila nu’ng hindi pa siya nag-aartista, pero nabigo sila.

?“May nangyari kasing insidente na lumapit sa kanya ang mga relatives niya, humihiram ng pera sa kanya, buong akala ng mag-asawa, e, hindi sila magdadalawang-salita sa tinulungan nilang male personality.

?“Ang tandang-tanda ng mag-asawa na sagot niya, ‘Naku, huwag n’yo namang ipapasan sa akin ang lahat ng burden n’yo, pinagtrabahuhan ko ang perang ito.’

?“Sandali lang namang gagamitin ng pamilya ang hinihiram sa kanya, pagdating ng collection nila, e, babayaran din nila agad ang hinihiram nila sa male personality.

?“Sana raw, e, nangutang na lang sila nang patubuan sa ibang tao kesa sa lumapit sila sa taong akala nila, e, agad-agad na aalalay sa pangangailangan nila.

?“Nabigo ang mag-asawa, hindi naman sila nagalit sa male personality, masyado lang silang nalungkot dahil mabilis pala siyang makalimot. In short, hindi siya marunong tumanaw ng utang na loob!

?“Hindi nila sukat-akalain na matatanggihan pala sila ng male personality. Nu’n lang sila naniwala na sarado pala talaga ang mga palad ng lalaking personalidad, dahil maraming kamag-anak na rin nila ang hindi niya tinulungan.

?“Saan kaya nila ikukum­para ang pagiging makunat ng male personality pagda­ting sa pera? Sa suwelas ng sapatos o sa bubble gum?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Neil marunong magbayad!

Negosyante si Neil Arce. Namumuhunan siya sa mga proyektong pinapasukan niya. Kanaturalan na sa mga negosyante ang pagkakaroon ng mga utang.

?Walang negosyanteng hindi nagkakaroon ng utang. Kahit ang mga businessmen na nagtatayo ng malalaking gusali, ilang palapag man ‘yun, ay merong utang.

?Hindi kapintasan, kundi karangalan pa nga sa panig ng negosyante kung marami siyang utang, dahil ang ibig sabihin nu’n ay maganda ang kanyang credit line.

?Marunong siyang magbayad, hindi siya tumatalikod sa kanyang obligasyon, kaya mas maraming nagpapautang sa isang negosyante ay isang patunay ‘yun na katiwa-tiwala siya.

?Mas maugong na kuwento ngayon tungkol sa karelasyon ni Angel Locsin, marami raw utang si Neil Arce, hindi raw siya kasingyaman na tulad ng iniisip ng marami tungkol sa kanya.

?Nag-aalala ang iba na baka raw natanso lang ni Neil ang magaling na aktres dahil ang kuwento nga ay marami siyang pagkakautang.

?Inuulit namin, negosyante si Neil Arce, kakambal na ng kanyang propesyon ang pagkakaroon ng mga utang. Utang na binabayaran at hindi inililista lang sa tubig.

ANGEL LOCSIN NEIL ARCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with