Bitoy hindi raw sinolo ang Family...

Bitoy

Napa-react ang GMA 7 sa nilabas kong story na sinolo na ni Michael V. ang pelikulang Family History. Nabanggit dun na hindi diumano siya tumanggap ng kahit anong suggestions sa GMA Pictures na supposedly ay co-producer niya sa pelikula.

Ayon sa isang GMA insider, naging open naman daw si Bitoy sa pelikula na more than two hours ang running time na showing na sa July 24.

Actually, ok lang naman talaga kung sinolo ni Bitoy ang movie bilang malaki nga raw ang share nito sa nasabing movie na si Dawn Zulueta ang leading lady.

Wish talaga namin na kumita ang Family History para naman maging masigla ang paligid ng showbiz na more than two weeks nang walang pinalalabas na bagong Tagalog films. Saka para mas ganahan si Bitoy na gumawa pa ng pelikula.

Show comments