^

PSN Showbiz

Sikat na aktor hindi tinalikuran ang mga nakasama sa paglilinis ng bituka noon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang mga taong nakasaksi sa paglaki ng isang pamosong male persona­lity na sisikat siya at magkakaroon ng magandang kapalaran.

Mula sa kanyang pagkabata ay nabantayan ng mga ito ang kanyang buhay, masipag na siya nu’n pa man, wala siyang tinatanggihang trabaho para lang makatulong siya sa kanilang pamilya.

Kuwento ng isang source, “Guwapo na siya kahit nu’ng bata pa siya, pero masyado siyang payatot. Napakasipag ng batang ‘yun, kahit ano, e, kaya niyang gawin para lang matulungan niya ang mother niya.

“Imagine, sa napakabata niyang edad, e, nagtatrabaho na siya sa palengke? Siya ang assistant ng isang tiyahin niya, tagakaliskis at tagabituka siya ng mga panindang isda ng tita niya.

“Hindi siya mapili sa trabaho dahil mahirap lang ang family nila, marami silang magkakapatid, kailangan nilang kumilos para sila mabuhay,” unang kuwento ng aming impormante.

Hanggang sa isang araw ay may nakadiskubre sa kanya. Nakita nito ang kanyang kakisigan na nangangailangan lang ng pag-aalaga. Isinali siya nito sa isang malakihang talent search para sa mga bagets.

Balik-kuwento ng aming impormante, “At mula nu’n, nagbago na ang takbo ng buhay niya. Mas sinuwerte pa siya nu’ng kunin na siyang contract star ng isang malaking network.

“Du’n na siya nakilala nang husto dahil hindi lang siya guwapo, napakagaling pa niyang umarte! At maaasahan din siya sa kantahan at sayawan, kaya saan ka pa nga naman?

“Hanggang ngayon na sikat na sikat na siya, e, hindi siya nagbabago. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob, wala siyang kaangas-angas, binabalik-balikan niya pa rin ang mga kababata niya.

“Pati ang palengkeng naging ikalawang tahanan na niya, dumadalaw pa rin siya du’n, kinukumusta niya ang mga dati niyang nakakasama sa pagtitinda.

“Siya ang balon ng biyaya ng pamilya niya, kahit may asawa na siya, hindi siya nakalilimot sa pagtulong sa mommy at mga kapatid niya. Bihirang-bihira lang ang mga taong tulad niya.

“Kaya naman hindi siya nawawalan ng trabaho, saka puring-puri ang talento niya sa pag-arte, may malalim na hugot kasi ang male personality sa nakaraan niyang buhay.

“Ganyan talaga ang premyo ng kapalaran sa taong may mabuting puso, ume-echo ang kabutihan niya, kaya talagang magtatagumpay siya.

“Ang tagakaliskis at bitukero ng isda, sikat na sikat na ngayon, at talagang hindi nagbabago kahit pa successful na siya,” papuring pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris hindi kakandidato pero may plata porma

Sabi ni Kris Aquino ay napakalayo sa kanyang bituka ng mundo ng pulitika na kinagisnan niya. Hindi raw siya lalahok sa pulitika, tama na raw ang pumanaw niyang ina at kuya na nagserbisyo bilang pangulo ng ating bayan, ipuwera na raw natin siya sa bilang.

Pero si Kris Aquino ang nagsasalita, si Kris talaga, na sa sampung sinabi niya ay binabawi niya ang siyam at isa lang ang sapilitan niyang napaninindigan.

Hindi pa man ay meron na siyang nakahandang mga plataporma kapag pinasok niya ang pagkandidato sa mga susunod na eleksiyon. In fairness, may kuneksiyon sa kanyang buhay ang mga inaasinta niyang isulong kapag pulitiko na siya, kayang-kaya niyang depensahan ‘yun.

Health, justice, taxation, education at Family Code. ‘Yun ang mga sesentruhan ni Kris. Inuulit namin, malayo raw sa isip niya ang pagpasok sa mundo ng pulitika, ha?

Health dahil alam na niya ngayon kung gaano kahirap magkaroon ng sakit na mahal ang gamutan. Mabuti nga siya at may kaban na pagkukunan pero paano ang mga kababayan nating kapuspalad?

Justice dahil hanggang ngayon, kahit pa naupo nang pangulo ang kanyang ina at kapatid, ay hindi pa rin natutukoy kung sino talaga ang pumaslang sa kanyang ama.

May kredibilidad siyang magsalita tungkol sa tamang pagbabayad ng buwis dahil religious taxpayer siya, hindi dinadaya ang gobyerno, hanggang sa huling sentimo ay nagbabayad siya ng buwis.

Education. Napakahalaga naman talaga ng edukasyon sa bawat Pilipino.

At Family Code. Dahil sa kanyang mga karanasan at pagsasakripisyo bilang babae at single mom, siguro nga ay meron siyang mga idadagdag sa mga batas na pinaiiral sa ating bayan, panalung-panalo pa rin siya sa aspetong ‘yun.

Pero may komento ang anak-anakan naming si SOS tungkol kay Kris, ang kanyang sabi, “Pero dapat po siyang maging humble at considerate palagi. Wala tayong nababalitaang hindi kagandahang ugali ng mga miyembro ng British Royal Family.

“Mga dugong bughaw na po sila, di ba, samantalang si Kris Aquino, e, dugong dilawan lang naman! Charot!” komento ni SOS.

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with