^
Suzi malabong magkasamaan ng loob!

Suzi malabong magkasamaan ng loob!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 29, 2019 - 12:00am

Maganda ang pagtanggap ng televiewers sa Mars noong napapanood pa ito sa GMA News TV kaya nag-decide ang GMA-7 management na ilipat sa Kapuso Network ang talk show at lifestyle program nina Camille Prats at Suzi Entrata.

Sad lang dahil naging casualty si Suzi dahil pinalitan siya ni Iya Villania bilang co-host ng Mars na may bagong title, ang Mars Pa More.

Mainstay si Suzi ng Unang Hirit, ang mor­ning program ng GMA-7 na 11 years nang umeere sa telebisyon.

Kung si Suzi pa rin ang co-host ni Camille sa Mars Pa More, magkakaroon ito ng conflict sa Unang Hirit.

No choice ang production team kaya si Iya ang ipinalit kay Suzi at idinagdag sa cast si Chariz Solomon.

So far, ang production team ng Mars ang staff ng Mars Pa More at si Rommel Gacho pa rin ang direktor.

Sure ako na mami-miss ni Suzi ang Mars dahil sa matagal na bonding nila ni Camille. For seven years, ang dalawa ang magkasama kaya malalim na ang kanilang friendship.

But knowing Suzi, masaya siya sa mga pagbabago na magaganap sa da­ting programa nila ni Camille at alam niya na maganda ang resulta ng kanyang trabaho kaya inilipat sa bagong tahanan at oras ang Mars.

I don’t think na nagkaroon ng bad blood dahil kaibigan ni Suzi sina Camille, Iya at Chariz. Watch natin ang Mars Pa More dahil lalong pinaganda ang show na kaabang-abang.

Bong laging priority ang entertainment press

Ang sarap ng feeling nang magbigay ng thank you party ang Revilla fa­mily sa entertainment press noong Miyerkules.

Ever since, very close ang mga Revilla sa mga taga-showbiz kaya family na rin ang turing nila sa entertainment writers na very supportive din sa kanila.

Hindi nawawala ang showbiz press sa mga importanteng okasyon sa buhay ng mga Revilla, sa mga kasalan, binyagan at victory parties.

Nang makalaya si Bong Revilla mula sa mahigit sa apat na taon na pagkakakulong sa Camp Crame, nagkaroon siya agad ng thanksgiving party para sa entertainment press dahil na-miss niya ang kanyang mga kaibigan na showbiz reporters.

Kahit noong nakakulong si Bong, hindi niya nakakalimutan ang showbiz press dahil marunong siya na tumanaw ng utang na loob.

Parang mga Vera Perez at Maceda family ang mga Revilla dahil included sa lahat ng mga mahahalagang okasyon nila ang mga taga-showbiz.

Kapag malungkot ang Revilla clan, sad din ang mga kaibigan nila sa showbiz dahil pamilya nga ang trato sa kanila.

Ang saya-saya ng mood sa thank you party ng mga Revilla dahil win lahat sila sa nakaraan na midterm polls. Unopposed si Mayor Andeng Ynares ng Antipolo City, re-elected congressman ng Bacoor City si Strike Revilla, unopposed din si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, nahalal uli na Bacoor City Mayor si Lani Mercado, re-elected councilor si Rowena Mendiola at 1Pacman Partylist Representative si Marlon Bautista at senador si Senator Ramon Bong Revilla.

Touching talaga na ang tagumpay nila, kaligayahan din ng kanilang mga kaibigan na hindi sila iniwan sa mga panahon ng pagsubok. Thank you for the love.

CAMILLE PRATS SUZI ENTRATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with