Jolo at beauty queen GF, sa Amerika magpapakasal

Angelica

SEEN: Si Bela Padilla ang lead actress sa Mananita, ang pelikula na joint venture ng Viva Films at ng Ten17P, ang production outfit ni Paul Soriano. Si Paul ang direktor ng Mananita at si Lav Diaz ang sumulat ng kuwento ng movie.

SCENE: Second Lieutenant na ang tawag kay Matteo Guidicelli dahil nakumpleto na nito ang scout ranger training bilang reserved army sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan. Tumanggap din si Matteo ng military commendation medal. Bago nagsimula ang kanyang scout ranger training noong May 2019, gumawa ng pelikula si Matteo at co-stars niya sina Bela Padilla, JC Santos at Danita Paner. Si Irene Villamor ang direktor ng movie project na hindi pa nabibigyan ng final title.

SEEN: Nalungkot ang fans nina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice Governor Jolo Revilla dahil pakakasalan nito sa December 2019 ang former Bb. Pilipinas 1st runner up na si Angelica Alita. Umasa ang mga tagahanga nina Jolo at Jodi na magkakabalikan ang dalawa. Ang Pelican Hill sa Newport Beach, Southern California ang possible venue ng pag-iisang dibdib nina Jolo at Angelica. Isang tourist destination ang Pelican Hill at popular ito sa lovers dahil sa romantic ambience ng lugar.

Show comments