^

PSN Showbiz

Lihim ng hunk actor, nabuko ng lalaking masahista!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lihim ng hunk actor, nabuko ng lalaking masahista!

Episode 19 na ang no. 1 digital talkshow na Take It... Per Minute! (Me Ganun) hosted by Manay Lolit Solis and Manay Cristy  Fermin with Mr. Fu.

Isa sa tinalakay kahapon ang wala na ngang magiging panibagong Eddie Garcia, tulad nang wala na ring puwedeng pumalit sa trono nina Mang Dolphy and FPJ. Magkakasama na ang tatlo ngayon sa kabilang buhay.

Naalala naman ni Nay Cristy na nang panoorin niya ang pelikulang Kapag Puno Na Ang Salop na palabas kamakailan sa isang channel, na-realize niya karamihan sa mga bida nito ay namayapa na - Fernando Poe Jr., Eddie Garcia, Paquito Diaz, Dencio Padilla, Jose Romulo at Roy Alvarez.

  May source naman si Nay Cristy na nagsabing hindi magdedemanda ang pamilya ni Manoy Eddie sa pangunguna ng partner niyang si Ms. Lilibeth Romero. May ilang lumalabas kasi na nagsasabing nagbabalak mag-demanda ang mga naiwan ni Manoy Eddie.

Sandali naman nilang pinag-tsikahan si Kris Aquino na kelan na nga ba gagaling? Balitang nabawasan na ang kanyang mga endorsement.

At pinuri nila si Kris na kahit anong bira ang gawin mo hindi ito nagagalit na kinumpara nila kay Ara Mina na kahit anong sabihin at sulatin mo pag nakita ka ay marespeto pa rin.

Pero true kaya na hindi naman si Ara ang nagluluto ng mga cupcake na pinamimigay niya sa mga kaibigan niya?

Pero pinaka-exciting ang kanilang blind items.

Tungkol sa isang feeling matinee idol na na-link sa isang komedyante ang bida sa kuwento ni Mr. Fu. Kumuha raw si feeling matinee idol ng lalaking masahista na pinapunta nito sa kanyang bahay. Madilim at pinadiretso daw nito ang masahista sa kanyang kuwarto. Nag-perform naman daw si masahista dahil naka-mask nga ang aktor, hindi alam ni masahista na siya pala ‘yun. Pero dahil siguro raw nasayahan sa serbisyo ng lalaking masahista, nagkaroon ng big reveal na si aktor nga ‘yung sinebisyuhan niya nang matanggal ang suot nito mask na mala-Korean pero nag-deny daw ito at itinangging siya ‘yung actor.

Hanggang naikonek ni Nay Cristy na dumaan pala ang nasabing young actor sa isang mayamang bading na nagpaaral sa kanya. Pero nadiskubre ni feeling hunk actor na may pinatira itong si mayamang showbiz bading na isang actor din sa village nila. Kaya naman sinabi raw ng feeling hunk actor sa rich bading kung ano pa ang wala sa kanya at pinagpalit siya sa iba.

Nakonek-konek na nila ang mga nasabing blind item na super juicy dahil maging si Nay Lolit nga ay hindi alam na may tsismis palang bading ang dalawang aktor na iisa ang network.

Naging guest naman sa episode kahapon ang Beautederm ambassador na si Sherilyn Reyes-Tan. In all fairness sa nanay ng Hashtag member na si Ryle Santiago, maganda pa rin siya at makinis ang balat.

So ‘yun nga, Beautederm pala ang sekreto niya na negosyo na rin niya na parami nang parami ang costumers. Yes sa mga social media account niya ay available ang mga beauty pro­duct ng Beautederm.

Sayang at wala si Ms. Rei Tan na owner ng Beautederm para magkuwento kung gaano kabilis lumago ang kanyang negosyo na nakakatulong sa maraming misis na dati ay walang mga ginagawa pero ngayon ay active sa pagnenegosyo ng direct selling ng kanyang mga produkto.

Ayaw namang magsalita ni Ms. Sherilyn tungkol sa away ni Ryle sa kapwa niya Hashtag dahil sa isang ‘girl.’

Samantala, aliw mag-boses bata si Sherilyn na sabi ni Nay Cristy ay ganun siya noon kasayang kasama.

 Sa mga hindi pa nakakapanood ng episode 19 ng TIPMMG, panoorin sa facebook page ng Pilipino Star NGAYON.

Alden nakipagkita sa mga bossing ng ABS-CBN!

Nakipagkita si Alden Richards sa mga executive ng ABS-CBN kahapon. Pero hindi para lumipat ng network. Andun siya para sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.

Yup personal siyang nakipagkita kina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak and ABS-CBN Chairman Mark Lopez habang nakipag-lunch naman daw ang actor sa managing director ng Star Cinema na producer ng pelikula nila ni Kathryn na si Direk Olive Lamasan. Bongga na parang hindi na uso ang network war sa kasalukuyan.

Anyway, parehong may kinakaharap na issue ngayon ang ABS-CBN at GMA 7.

Ang Kapamilya Network ay ang kanilang franchise habang ang GMA 7 ay may kaugnayan pa rin sa pagkawala ng beteranong actor / director na si Eddie Garcia.

vuukle comment

TAKE IT... PER MINUTE! (ME GANUN)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with