Marian at Dingdong tutok sa mga anak

?Dantes family

Ang gaganda ng mga photo nina Dingdong, Marian, Zia at Ziggy Dantes na lumalabas sa social media.

Mukhang mini me ni Dingdong si Ziggy habang si Zia ay mini me naman ni Marian.

Ang gandang tingnan ng Dantes family na complete na complete ang dating. For sure, lalaki na good kids sina Zia at Ziggy dahil hands on na hands on ang pag-aalaga sa kanila  ng mga magulang nila.

Nakikita natin na hindi put on o pakitang-tao ang mga ginagawa nina Dong at Yan para sa mga anak nila.

Alam ng mag-asawa ang needs, pakiramdam at moods nina Zia at Ziggy. Saksi tayo how good a father is Dingdong and how caring as a mother si Marian. We cannot wait to see them grow dahil magagandang addition sina Zia at Ziggy sa beautiful teeners natin.

Feelennial maganda ang feedback

Nakakatuwa dahil positive ang lahat ng reaksyon ng mga nanood ng Feelennial nang magkaroon ito ng red carpet premiere sa SM Megamall Cinema noong Lunes.

Pare-pareho ang sinasabi ng audience, maganda at nakakatawa ang pelikula nina AiAi Delas Alas at Bayani Agbayani.

Napuno raw ng halakhakan ang Cinema 4. Enjoy na enjoy sa pano­nood ang audience na nagulat  dahil hindi nila inaasahan na  ganoon kaganda ang pelikula na pinrodyus ni Pops Fernandez at ng Cignal.

May mga nagsasabi na ang Feelennial ang isa sa mga best romantic comedy movie na napanood nila. Hindi raw magsisisi ang mga nagbabalak na manood dahil sulit na sulit ang kanilang mga ibabayad sa box office.

Pati ang mga nanood na entertainment press, nagkakaisa sa kanilang opinyon na must-see movie ang pelikula nina AiAi at Bayani. Sa dami ng mga problema sa paligid, stress-buster daw ang Feelennial na puwedeng ulit-ulitin na panoorin dahil sa hatid na good vibes ng pelikula.

May mga nagkomento na filmfest quality ang Feelennial dahil ito ang tipo ng pelikula na pipilahan sa Metro Manila Film Festival.

May nagkumpara naman sa Feelennial sa Kita Kita, ang phenomenal hit movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez dahil bongga ang loveteam nina AiAi at Bayani.

Wish ko talaga na maging blockbuster movie ang Feelennial para ganahan si Pops na mag-produce uli ng pelikula.

Christian at misis ‘di pa nakakapag-honeymoon

Hindi pa nangyayari ang honeymoon ni Christian Bautista at ng kanyang misis na si Kat Ramnani dahil tinatapos muna niya ang lahat ng showbiz commitments tulad ng concert nila ni Julie Anne San Jose sa Cagayan de Oro sa July 6.

Kasado na ang plano ng Bautista couple na idaos ang kanilang honeymoon sa Africa sa December dahil ito raw ang best month para pumunta doon.

Naniniwala ako na magiging mabuting asawa at ama si Christian sa kanyang misis at sa future babies nila dahil marami siyang magagandang plano para sa kanilang kinabukasan.

May mga negosyo na iniisip si Christian dahil alam nito na hindi forever ang singing career niya. Hindi ilusyonado si Christian kaya tanggap nito na may mga bago at mas bata na singer na lilitaw.

Type ko ang attitude ni Christian, hindi siya katulad ng ibang mga entertainer na nagkaroon lang ng hit single, lumaki agad ang ulo at nalunod sa isang baso ng tubig.

Show comments