Bea Alonzo at John Lloyd Cruz
Magkasama sa Palawan, John Lloyd may binebenta raw kay Bea
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

Spotted sa Palawan ang dating magka-loveteam na sina Bea Alonzo at  inactive actor na si John Lloyd Cruz the other day.

May isang ate (fan) na nakapagpa-picture sa kanila pero walang may alam kung anong ginagawa nila sa El Nido.

Puro panghuhula at haka-haka lang ang kumakalat.

Pero ayon sa isang source, ang duda niya, baka binibenta ng actor ang property niya kay Bea. Ang alam daw kasi ng source ay may pag-aaring resort sa Palawan ang aktor na sinasabing biktima ng showbiz burnout kaya ibang-iba na ang hitsura ngayon.

Maraming kumitang pelikula sina Bea and John Lloyd noong kainitan ng loveteam nila. Oo nga at hindi naging sila, common knowledge na naging magkaibigan ang dalawa.

Karelasyon sa kasalukuyan ni Bea si Gerald Anderson at hindi naman inililihim ni John Lloyd although hindi lantaran ang relasyon nila ng dating sexy star na si Ellen Adarna kung saan meron na silang isang anak.

BEA ALONZO JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with