^

PSN Showbiz

Veteran stars takot matulad kay Eddie

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Patuloy pa ring minu-monitor ang kalagayan ni Eddie Garcia sa Makati Medical Center.

Kanya-kanyang post ang mga nakadalaw na sa hospital at iisa lang ang hiling nilang lahat – ipagdasal siya.

Isang kaibigan ang nagpadala sa akin ng litrato ng kuha ni Sir Eddie na nakahiga lang.

May cervical fracture nga raw ang beteranong aktor na kung saan pati ang spine nito nadamay. Kaya nasa deep sleep pa rin daw siya at wala pang sinasabi ang mga doktor kung kailan siya makaka-recover.

May ipinadala ring litrato ng mga dumalaw na karamihan ay mi­yembro ng pamilya

Halos lahat daw na pamilya ay dumadalaw sa hospital dahil wala pang nakapagsabi kung kailan siya magigising.

Si Robin Padilla ang isa sa nag-post ng pagdalaw niya sa hospital kasama si Phillip Salvador at Senator-Elect Bong Go.

Nakakabit sa mga kuha sa hospital ay ang video message ni Kuya Ipe na nilinaw niyang hindi heart attack ang nangyari sa beteranong aktor kundi naaksidente ito sa set ng ginagawa niyang drama series sa GMA 7 na Rosang Agimat.

Bahagi nang video message ni Kuya Ipe; “Siya po ay 90 years old. So, hindi po siya nakabalanse. Bumagsak po siya at hindi po maganda ang kanyang pagbagsak.

“Bilib po kami kay Eddie Garcia, because ayaw po niya magpa-double. Nubenta anyos na po siya. Hinihiling po namin sa inyo, dasal sa isa pang hari ng pelikulang Pilipino na si Eddie Garcia.”

Napag-alaman ding isa pala sa unang sumugod sa hospital ay ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Mayor Lani Mercado.

Kaagad na pumunta sila sa Mary Johnston Hospital sa Tondo para kumustahin si Sir Eddie.

Matagal nga raw silang nag-usap doon ni Lilybeth na partner ng aktor at pinapayuhan na raw sila ni Sen. Bong na ilipat na agad sa Makati Medical Center.

May mga nagpu-post din ng mga hanash nila sa nangyari.

May mga puna, may mga nagmamagaling na dapat ganito, dapat ganyan. Pero wala nang magagawa ang mga ganung puna at batikos.

Hindi naman ito isinasantabi ng mga taga-GMA 7 at hinaharap nila ang responsibilidad nila sa nangyari.

Bukod sa una nilang statement, wala pa silang dagdag pang pahayag kaugnay dito.

May ilang executives ng GMA 7 ang tinawagan namin, nasa Makati Med din sila para tutukan ang kalagayan ng beteranong aktor.

Dahil sa nangyari kay Sir Eddie, lalong naging maingat ang mga beteranong artista na may regular taping sa soap.

Tinitingnan nila ang working hours at kung ano ang cut-off.

Sinasabi nga ng ibang artista na hanap-buhay ang kailangan nila, hindi ‘hanap-patay’.

True ba?

Vickie na-distract sa nag-make face kaya sumabit sa q&a, bagong Miss u retokada raw!

Si Vickie Rushton ang isa sa pinag-uusapan sa social media kahapon pagkatapos ng coronation night ng Binibining Pilipinas 2019.

Marami ang nanghinayang dahil wala man lang siyang nakuhang title gayung isa siya sa frontrunners at pinakamaraming nakuhang special awards.

Sumabit si Vickie sa question and answer portion na kung saan ang kasama pa niya sa Kapamilya network na si Daniel Padilla ang nagtanong.

Sabi ng isang kaibigan, kaagad na umalis si Vickie pagkatapos ng coronation. Hindi na raw ito tumuloy sa after-party.

May sinumbungan daw si Vickie na na-distract daw siya nang sumagot ito dahil meron daw nag-make face sa harap niya habang sumasagot ito. Kaya nawala raw siya at hindi na niya natuloy ang pagsagot.

Ewan ko kung totoo nga ito o baka alibi lang. Pero tapos na ang competition at marami pa rin ang umaasang sana sumali uli si Vickie dahil may potential talaga siyang magka-title. Maaring wala lang sa tamang panahon itong pagsali niya uli sa Binibining Pilipinas.

Sabi nga ni Pia Wurtzbach sa kanyang IG story; “My heart breaks for Vickie. I hope she can try again. I believe this girl is smart. Nerves can happen to even the best of us.”

Bukod kay Vickie, naging paboritong paksa rin ang bagong Binibining Pilipinas-Universe na si Gazini Ganados.

May mga nagpu-post ng lumang litrato ng beauty queen na ikinukumpara sa hitsura niya ngayon.

Ang laki nang ipinagbago na nahahalatang may mga ipinaretoke ito sa mukha.

Pero hindi na bago yan kahit sa ibang beauty queens sa ibang bansa.

Marami naman talagang mga title-holders na may mga pinabago sa mukha. Kaya hindi na isyu yan.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with