Lorna naka-50 years na sa showbiz
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wow, fifty years na this year si Lorna Tolentino sa entertainment industry.

Ang makulay na limang dekadang karera ni Lorna ay nagsimula noong 1969 nung siya ay lumabas sa pelikulang Uhaw Sa Kalayaan bilang isang 7-year-old child actress.

Nag-reyna siya sa telebisyon at pelikula sa sunod-sunod na mga blockbuster hits at top-rating series, na siyang nagbigay sa kanya ng puwesto bilang isa sa pinaka-mataas at nirerespetong artista ng idustriya.

Ang nakakasilaw na talent ni Lorna sa pagganap ay permanenteng pinalakas noong 1992 sa dramatic film na Narito Ang Puso Ko kung saan ginampanan niya ang papel ni Ellen – isang ina na naghahanap ng hustisya sa pagpatay sa kanyang anak na lalake. Dahil sa husay ng ganyang pagganap sa Narito Ang Puso Ko, kinilala si Lorna ng bawat major award-giving body ng Best Actress  na siyang nagbigay sa kanya ng titulong Grand Slam Queen. 

Pero bukod sa icon ng movies, isang certified icon of beauty rin si LT bilang pamantayan ng gold standard of beauty and elegance. Siya din ang pictorial queen ng 80s, 90s, at 2000s at naging industry leader siya sa larangan ng beauty and fashion dala ng mga chic at stylish looks na kanyang pinasikat sa loob ng tatlong dekada.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Lorna bilang bahagi ng ensemble cast ng long-running at top-rating primetime action-drama teleserye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano kung saan nakikipag­tagisan siya ng talento kasama ang mga kapwa acting heavyweights gaya nina Coco Martin, John Arcilla, Eddie Garcia, Susan Roces, at marami pang iba kasabay ng pagiging pinakabagong beauty ambassador ng Beautederm Corporation na nagce-celebrate naman ng kanilang 10th year anniversary. “Honored ako at sobrang saya ngayong bahagi na ako ng pamilya ng Beau­tederm,” sabi ni Lorna sa isang interview. “Ilang taon na din akong loyal user ng Beautederm at formality na lang ito dahil matagal na akong may tiwala sa bonggang produktong ito.”

“Isa si Ate LT sa pinakamatalik kong kaibigan at nakakataba ng puso na salubungin siya sa aming pamilya,” sabi ng Beautederm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan. “Napakabuting tao niya at walang kupas ang kanyang ganda. Madaming tao, at isa na ako sa kanila, ang tagahanga ng kanyang body of work bilang isang aktres at madami din kaming humahanga sa kanyang legendary beauty. Major asset si Ate LT sa Beautederm Corporation at lubos ang kaligayahan namin na kasama na namin siya,” dagdag ni Ms. Rhea.

Si LT talaga ang dapat idolohin ng mga batang artista na kahit naka-limang dekada na ay parang ganun pa rin ang pakikisama.

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with