Bong Revilla
Mga starlet grabeng manlait!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

Ang leveling ang one rule in life Salve na sinusunod ko palagi. From the start, inaalam ko agad kung saan ilalagay ang sarili ko.

When I fight or say things against any person, tinitingnan ko muna mabuti where I stand. Hindi ko puwedeng sabihin na bobo ang isang tao na mas mataas pa ang pinag-aralan kesa sa akin, hindi ko puwede sabihin na mas tama ako kesa sa isang tao na mas malayo ang nara­ting kesa akin, at lalong hindi ko puwedeng husgahan ang isang tao na hinatulan na ng hukuman na not guilty, dahil imposible naman mas matalino ako kesa mga judge na nagbigay ng hatol.

Okey sa akin na manggaling sa iba ang mga bira at puna kay Bong Revilla pero kung taga-showbiz, lalo na ang mga starlet, mga hindi umangat ang career at hanggang ngayon trying hard pa rin, gusto kong sabihan na look at yourself first.

Kung anu-ano ang paninira nila laban kay Bong eh ni hindi nga nila naabot ang pagiging big star niya.

O sige mas mahusay kayo, bakit hindi kayo ang tumakbo na senador para maipakita n’yo ang galing n’yo.

Mas matalino kayo sa 14 million people o higit pa na bumoto kay Bong Revilla? Mas malinis kayo kahit pa Sandigan Bayan na ang humatol na walang kasalanan si Bong?

O inggit kayo dahil hindi n’yo narating o mararating ang kinalalagyan ni Bong? Mga walang career, hindi umangat ang career, at never magkakaroon ng career, tingnan n’yo  muna ang mga sarili ninyo bago kayo magsalita.

Mas malinis, mas matalino kayo? Come on, run for the Senate, be a big star, then you can look down on Bong Revilla.

Naku, make my day, bash pa kayo, ‘yan lang kasi career n’yo. Leveling, ‘yan muna ang pag-aralan n’yo no?

‘Hindi n’yo ako mapipikon, Lolit Solis ako’

Sige lang, ang mga bashing at paninira na ginagawa nila sa akin. Same old story, Mukhang pera? True. Mabait lang kapag nabigyan? True. Maganda lang posting kapag nakatanggap? True.

Lahat naman totoo. I don’t deny it, I won’t deny it. Pero kahit ganoon ka-harsh ang sinasabi nila, okey lang dahil iniisip ko, baka nga mas magaling sila, mas matalino at mas malinis kesa akin.

Good for them. Meron pa nagsasabi na mamatay na sana ako. Wow, big words. Hindi kaya naisip ng bashers ko na dahil sa mga pera at regalo na natanggap ko, may pambayad ako sa pinakamahusay na doktor, pinakamahal na hospital, at sure ako makakabili ako ng mahal na coffin at padadalhan ng mga flower ng mga friends ko kaya hindi pa rin magiging pathetic ang death ko? Hahaha!

‘Yan ang sinasabi kong leveling. Know your level first when you fight a person, when you say something bad about that person.

Make sure na tulad ng inaaway at pinipintasan mong tao may itatapat ka. Sabihin mong bobo ako, so patunayan mo na mas matalino ka.

Mukhang pera ako, so patunayan mo mas malinis ka. I don’t fight with my inferior, I fight with people higher or the same level na kagaya ko.

So don’t waste your time, hindi n’yo ako mapipikon, hindi n’yo ako magagalit, hindi n’yo ako matatalo dahil 72-years-old na ako, Lolit Solis na ako at mahaba pa ang lalakarin n’yo bago n’yo ako maabutan. Ayokong mapagod kayo.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with