^

PSN Showbiz

Grae hindi nagpapatulong kay Mark para maka-arte

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Grae hindi nagpapatulong kay Mark para maka-arte
Grae Fernandez

Napapanood tuwing Linggo ng gabi sa ABS-CBN ang teleseryeng Hiwaga ng Kambat na pinagbibidahan nina Edward Barber at Grae Fernandez. Masayang-masaya si Grae dahil kahit ilang taon pa lamang sa show business ay nakatatanggap na ng lead role sa mga proyekto.

Ayon sa aktor ay hindi raw siya tinuturuan ng amang si Mark Anthony Fernandez pagdating sa trabaho o pag-arte sa harap ng kame­ra. “Well, actually no’ng sinabi niya sa ‘kin, parang ayaw niya ako turuan ng gano’n. Kasi baka magaya ko, sabihin ng tao ginagaya ko siya. ‘Yung mga ginagawa ko sa pag-arte, gagayahin ko siya,” kwento ni Grae.

Para sa baguhang aktor ay hindi na siya talaga magpapatulong sa ama at gagawin na lamang ang lahat ng kanyang makakaya upang magampanan nang maayos ang trabaho. “Gusto niya maging original ako sa sarili ko. Hanapin ko ‘yung sarili kong style. Hanapin ‘yung sarili kong path, which I think is a great advice talaga na hanapin mo talaga ‘yung sarili mong opportunities at ‘yung sarili mong style at path mo. Kasi kung hahanapin or titingnan mo ‘yung style ng isang tao na nagawa na, ano pa ‘yung mabibigay mong bago? So ‘yun po ‘yung na-learn ko,” pagbabahagi ni Grae.

Jake Zyrus ayaw  ipag-ingay ang kasal

Unang napabalita noong November, 2018 ang tungkol sa engagement ni Jake Zyrus at kasintahang si Shyre Aquino. Ayon sa singer ay talagang masaya siya dahil nakilala niya ang babaeng gustong makasama sa habambuhay. “Kaya ako nag-propose sa kanya kasi, letting her know that she’s the one, letting her know that she’s the one I want to spend the rest of my life with,” nakangiting bungad ni Jake.

Sa ngayon ay hindi pa makapagbigay ng detalye ang singer tungkol sa plano nilang pag-iisang dibdib ni Shyre. “Masaya kami na sa amin muna. For now, we enjoy ‘yung small, little privacy na nakukuha namin. Mas siya nga ‘yung nagpo-post (sa social media) kaysa sa akin. Siya ‘yung nag-a-update sa mga fans ko. I’m very excited. It’s always been my dream to settle (down), to spend the rest of my life with someone na compatible kami,” paglalahad ng singer.

Nakita umano ni Jake kay Shyre ang lahat ng mga katangian ng isang babae upang maging katuwang sa buhay. “Someone who accepts me as who I am. That’s exactly what she’s been doing. I’m a moody person, for the first time in my life I found someone who can handle it,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

GRAE FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with