Heart nag-trabaho nung Mahal Na Araw

Heart

Trabaho ang inatupag ni Heart Evangelista nung nakaraang Semana Santa base sa kanyang mga post sa social media.

Nag-ilang araw siya sa Singapore para sa launching ng fashion magazine na Buro na si Heart ang kauna-unahang cover. “It’s such a pleasure to have worked with @buro.singapore,” post ng actress.

Pero habang abala raw siya sa Singapore ay bumibida naman ang mga bag niyang may pinta sa Holllywood. “Meanwhile on the other side of the world…My purse having the time of her life in Hollywood!,” na ang nasa picture ay ang Hermes bag habang naka-display ito na wala siyang binigay na detalye.

As of yesterday ay nakauwi na siya sa Sorsogon at nakapiling na ang asawa niyang si Senator Chiz Escudero na ngayon nga ay kumakandidato ngang governor sa Bicol.

Show comments