Melai Cantiveros at Jason Francisco hiwalay na naman!

Jason at Melai

Di maamin dahil sa endorsements?

Marami na pala ang nakakapansin sa malamig na tinginan ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Minsan na naging isyu ang paghihiwalay nila noon, pero nagkaayos din silang mag-asawa at nabuntis pa nga si Melai.

Kuwento ng isang kaibigan, nakasabay daw nila sa isang out of town event ang mag-asawa at kapansin-pansin daw na parang nag-iiwasan ang dalawa.

Nang humarap na raw sila sa mga tao, medyo nagpapa-sweet daw si Melai kay Jason, pero parang malamig pa rin daw ang aktor.

Pagkatapos daw ng event, sumama rin daw silang mag-asawa sa lunch pero hindi sila magkatabi ng upuan.

Lalo pa raw silang nagtaka nang umalis na sila pabalik ng Maynila, nagkanya-kanya raw sila ng sasakyan.

Ang dagdag na kuwento sa amin, hindi lang daw sila makapagsalita tungkol sa tunay na kalagayan nilang mag-asawa dahil magkakaroon ng conflict sa kanilang endorsement.

Kung meron ngang problema ang mag-asawa, maaring parang katulad din ito ng kaso noon nina Pops Fernandez at Martin Nievera na hindi pa nila maamin-amin sa publiko dahil may commitment pa sa kanilang endorsement.

Kung totoo nga ito, sana maayos pa at malay natin baka mabuntis uli si Melai.

GGV tuloy ang pasabog, TBATS humataw sa AGB

Magkakasunod ang mga rebelasyon sa Gandang Gabi Vice mula sa mga guest niya, pero hindi pa rin pala nila natatalo ang bagong katapat na The Boobay and Tekla Show.

Pati nga si Vice Ganda mismo ay inamin na rin doon na “in a relationship” daw siya, at nagbigay pa ng ideya na sila na ni Ion Perez o si “Kuya Escort” ng It’s Showtime, pero patuloy pa ring namamayagpag ang nakakatawang show nina Boobay at Super Tekla.

Nung nakaraang Linggo, March 17 ay wagi pa rin ang The Boobay and Tekla Show ayon sa AGB Neilsen.

Derek pipirma na sa GMA-7, Kapamilya actress na napabalitang lilipat, ‘di na tuloy?!

Ngayong linggo na raw nakatakdang pumirma si Derek Ramsay sa GMA-7.

Okay na okay na raw ang kontrata, at naayos na rin nila ang schedule.

Doon na rin daw nila ia-announce kung anong drama series ang sisimulan ng hunk actor.

Kinumpirma nga sa amin ng aming source na isang sexy Kapuso actress ang maka-partner niya. Huwag ko na lang daw pangunahan, at ibigay na raw sa GMA-7 ang announcement.

Samantala, mukhang malabo na raw ang paglipat ng isang Kapamilya actress sa GMA-7. Medyo mahirap daw sa terms, at malabong pagkasunduin.

Hindi lang ako tiyak kung ang manager ng boyfriend ni Kapamilya actress ang nakipag-deal. Medyo mahirap daw kasing kausap.

Pero ang isa sa naririnig namin, gustung-gusto na raw ni Kapamilya actress na lumipat ng GMA-7, dahil parang wala na raw siyang nakikitang future sa istasyong nagpasikat sa kanya.

Show comments