^

PSN Showbiz

Marian Rivera nag-maternity leave na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Marian Rivera nag-maternity leave na!
Marian

Naka-maternity leave na ang misis ni Ding­dong Dantes na si Marian Rivera bilang host ng programa niyang Tadhana,bilang paghahanda sa kanyang pagsilang ng kanilang second baby ng kanyang mister na si Dingdong anyday this month o  sa unang linggo ng Abril.

Baby boy ang second baby nila na ang pangalan ay tiyak na unang malalaman sa kanilang The Dantes Squad YouTube channel na kung saan din nakatakdang i-reveal ni Marian ang perso­nalidad na pansamantalang hahalili sa kanya bilang host ng Tadhana.

Dahil malapit nang isilang ni Ma­rian ang magiging baby brother ng panganay nilang anak ni Dingdong na si Zia (Maria Letizia Gracia Dantes), hindi na rin naglalalayo ang Kapuso actor dahil gusto niyang nasa malapit lang siya ng kanyang misis kapag malapit na itong manganak.

Ang pagbubuntis ni Marian at nalalapit na nitong pagsilang ng kanilang second baby ang naging dahilan para hindi muna pumasok si Dingdong sa  pu­­litika dahil mas priority sa kanya ang kan­yang pamilya.

James, Nadine, Carlo at Angelica first time sa Best Actor at Actress nomination sa FAMAS

Ang ika-67th FAMAS awards ay nakatakdang ganapin on April 29, 20­19 sa Meralco Theater sa Pasig City. Maglalaban-laban sa Best Picture ang mga pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes, Ang Pa­na­hon ng Halimaw, A Short History of a Few Bad Things, Dog Days, Goyo: Ang Batang Heneral, Kung Paano Siya Nawala, Never Not Love You, Never Tear Us Apart a.k.a. Fisting, at Oda sa Wala.

Sa Best Actress category naman ay nominado sina Judy Ann Santos para sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes, Angelica Panganiban para sa Exes Baggage, Nadine Lustre sa Never Not Love You, Sarah Geronimo for Miss Granny, Anne Curtis for Sid and Aya (Not A Love Story), Glaiza de Castro for Liway, Pokwang for Oda sa Wala, Perla Bautista sa Kung Paano Hinintay ang Dapithapon, Iyah Mina para sa Mamu: And A Mother Too.

Ang mga nominado naman sa pagka-Best Actor ay sina Eddie Garcia, Alwyn Uytingco for Asuang, Victor Neri for A Short History of A Few Bad Things, Carlo Aquino for Exes Baggage, JM de Guzman for Kung Paano Siya Nawala, Dante Rivero para sa Kung Paano Hinintay ang Dapit Hapon, James Reid sa Never Not Love You, Mon Confiado sa El Peste at si Christian Bables para sa Signal Rock.

Ang awards screening committee ng FAMAS ay pinangungunahan ng award-winning screenwriter na si Ricky Lee.

First time bale ng magkasintahang James Reid at Nadine Lustre na ma-nominate sa Best Actor at Best Actress category ng FAMAS ganundin ang dating magkasintahan at mga pangunahing bida ng Exes Baggage na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

 Angelica umamin!

Sa programang Magandang Gabi Vice ni Vice Ganda last Sunday evening ay guest ni Vice ang dalawang mga pangunahing bituin ng magtatapos na morning TV series na Playhouse na sina Angelica Panganiban na at Zanjoe Marudo pero naunang isi­nalang si Angelica. Inamin ni Angelica kay Vice na in-unfollow na umano niya si Carlo at hindi rin umano sila magkaibigan nga­yon. Hindi rin ikinaila ng Kapamilya actress na kamuntik siyang ma-fall muli kay Carlo.

Inakala ng marami na muling magkakabalikan sina Angelica at Carlo laluna nang gawin nila ang hit movie na Exes Baggage pero ito’y muling naudlot.

Ganunpaman, umaasa pa rin si Angelica na muli siyang ma­kakatagpo ng ibang iibigin at iibig sa kanya ng tunay.

Sino kina Sam Milby at JM de Guzman na parehong malapit kay Angelica ang susunod niyang iibigin? O wala sa dalawa ang susunod na magmamay-ari ng puso ng Kapamilya actress?

Sa entire showbiz career ni Angelica ay umibig siya sa tatlong actor na sina Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz na pawang nauwi sa hiwalayan ang lahat.

Hindi naman kaya non-showbiz ang next na magiging boyfriend ni Angelica?

Ano sa palagay mo, Salve A.?

vuukle comment

DING­DONG DANTES

MARIAN RIVERA

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with