Sarah pinalitan ni Moira?!

Sarah at Moira

Maraming nadismaya na hindi kasama si Sarah Geronimo bilang judges sa sisimulang Idol Philippines ng ABS-CBN.

Si Moira ang makakasama nina Regine Velasquez, Vice Ganda and James Reid bilang mga hurado sa sisimulang singing competition ng Kapamilya Network.

Ang puna ng iba, parang wala pang masyadong authority si Moira lalo na nga’t hindi pa naman siya masyadong katagalan sa industry.

Saka sa ASAP lang daw napapanood si Sarah at gusto naman nilang makita sana ito sa ibang show.

Or baka naman may ibang nakahandang programa for Sarah or baka siya ang tumanggi.

Show comments