^

PSN Showbiz

Magandang personalidad hindi nakakatikim ng pananakit sa pinalit sa asawang babaero at nambubugbog

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sabi, ang pananakit daw nang pisikal ng isang minamahal ay masakit lang sa una, pero sa katagalan ay hinahanap-hanap na ‘yun ng sinasaktan. Ang kasunod daw kasi ng pananakit ay umaapoy na lambingan.

?Ngayon lang naiisip ng mga kaibigan ng isang magandang female personality ang mahabang panahon ng pagiging martyr niya sa piling ng kanyang mister.

?Madalas kasi siyang makitang puro pasa-pasa ng kanyang mga kaibigang artista rin. Gasgas na gasgas na ang kanyang dahilan na nauntog lang siya at napuruhan ang braso at binti niya.

?Kuwento ng aming source, “Nu’ng una, e, napaniwala niya ang mga friends niya na palagi lang siyang nauuntog kaya nagkakaroon siya ng mga pasa-pasa sa katawan. Napakakinis pa naman ng kanyang kutis. Isang kurot lang, e, halatang-halata na sa balat niya.

?“Ang pananakit pa kaya ng mister niya ang maitatago ng girl? Kahit ang mga kamag-anak niya, nakikita siyang may mga pasa-pasa sa katawan. Pero very consistent siya sa pagsasabing nauuntog lang siya,” unang kuwento ng aming impormante.

?Hanggang sa dumating ang panahon na hindi na niya kinakaya ang lahat. Ang palaging dahilan ng kanilang away, nahuhuli ni misis na may babae ang kanyang mister, meron siyang mga ebidensiyang hawak tungkol du’n.

?Patuloy ng aming source, “Anong ebidensiya pa ba naman ang kailangan niyang ibigay sa mister niya, e, siya na mismo ang nakakahuli sa lalaki at sa girl na dinadala ng husband niya sa bahay-bakasyunan nila?

?“Tama bang saktan pa siya ng mister niya, e, huling-huli na nga niya ang pambababae ng ama ng mga anak niya? Pero nu’ng bandang huli, e, lumalaban na ang girl, bakit, ang asawa lang ba niya ang action star?

?“Mas maraming pasa ang nakukuha niya sa paglaban, pero nakakaganti naman siya, nababayagan pa nga niya ang mister niya kung minsan!

?“Hindi na babalikan pa ng girl ang mga paghihirap na pinagdaanan niya, hinding-hindi na niya gugustuhing makasama pa uli ang mister niyang napakabigat ng kamao!

?“Kapag naiisip nga niya ang nakaraan, e, nangi­ngilabot siya. Kinaya niya ‘yun? Nakapagtiis siya sa mister niyang akala mo demonyo kapag nagwawala?

?“Mabuti na lang at nakabawi pa rin siya, meron na siyang bagong mahal ngayon na kahit pitik lang, e, hindi ginagawa sa kanya. Sinikatan pa rin ng araw ang makinis at magandang girl!” nakangiting pagtatapos ng aming source.

Unang subok nabugok, KAMBAL nina Mar & Korina made in USA

January 31, 2019 nang sulatin namin sa kolum na ito ang isang blind item na tumutukoy sa isang mag-asawa na isang araw ay aalis ng bansa para sunduin ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

?Pareho na silang may edad, gustung-gusto nilang magkaanak, pero hindi na ‘yun magiging posible sa isang normal na proseso. Sa ibang bansa sila pumili ng isang surrogate mom, ito ang magpapalaki sa sanggol na produkto ng pinaghalong sperm at egg cell ng mag-asawang personalidad, ‘yun ang laman ng aming blind item.

?Nakiusap ang aming source na huwag munang pangalanan sina dating Senador Mar Roxas at Korina Sanchez, pero malapit na silang umalis nu’n, dahil ilang araw na lang ay manganganak na ang surrogate mom.

?Nu’ng nakaraang Huwebes ay mismong si Ate Koring na ang kumumpirma sa pagkakaroon nila ng kambal na anak ni dating Senador Mar, nasa Pittsburg, USA sila, kung saan ginawa ang proseso sa isang malaking hospital du’n.

Babae at lalaki ang kambal, wala pang pangalan ang kanilang mga supling, milagro ng langit kung ilarawan ng mag-asawa ang pagdating sa kanila ng kambal na nagmula sa ibang sinapupunan pero sa kanila pa rin ang punla.

Napakagandang biyaya ang dumating kina Ate Koring at Kuyang Mar. Ilang taon na ang nakararaan ay sumubok na sila sa kaparehong proseso pero hindi sila nagtagumpay.

Sabi ng kaibigan naming nagkuwento tungkol sa sinulat naming bling item nu’ng una, “Para sa kanila ang kambal. Nabuo, dahil ‘yung una, nabugok. Talagang para sa kanila ang mga batang iuuwi na nila agad dito, inaayos na lang ang mga papeles,” pagkumpirma ng aming source.

A baby is always a blessing. Palaging biyaya ng langit ang bawat sanggol na ipinanganganak. E, dalawa pa ang naging anak nina Kuyang Mar at Ate Koring, himala nga ng langit ang kambal na mas magpapaligaya pa sa kanilang pagsasama ngayon.

Congratulations!

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with