Ariana obsessed sa TNT Boys!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2019 - 12:00am

Kinabahan bago makipag-duet

Bongga, sinorpresa ng international sensation na si Ariana Grande ang TNT Boys sa guesting nila sa The Late Late Show with James Corden noong Martes ng gabi (Miyerkules ng hapon sa Pilipinas).

Kilalang fans ni Ariana ang trio nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, at Francis Concepcion, kaya naman laking gulat na lang nila nang biglang lumabas si Ariana sa stage para makipag-duet sa kanila ng And I Am Telling You I’m Not Going.

“I’m obsessed with you guys. You guys are so incredible. That was so beautiful,” pahayag ni Ariana sa TNT Boys, na halos hindi naman makapagsalita dahil sa gulat at saya. Sinabi naman ni Francis, “Is this a dream?”

Matapos naman ang taping ng episode, nakipagchikahan at picture-an sa backstage ang Thank U, Next singer kasama sina Mackie, Keifer, at Francis at inaming ninerbiyos siya bago sumalang sa stage para sa kanilang duet.

Sinorpresa ni James ang TNT Boys nang malaman nitong idolo nila si Ariana sa usapan nila backstage sa international competition na The World’s Best  na si James din ang host.

Ayon sa kumalat na video kahapon, bago naman ang performance ng TNT Boys sa The Late Late Show, tinawag niyang “the cutest boyband on the planet” ang trio nina Mackie, Keifer, at Francis.

Tuluy-tuloy nga ang pagtaas ng TNT Boys ng bandera ng bansa at pagpapabilib sa buong mundo sa international talent competition na The World’s Best, kung saan pinahanga nila ang American judges na sina Faith Hill, RuPaul, at Drew Barrymore pati na ang “wall of the world,” na binubuo ng 50 sa pinakamatatagumpay na eksperto sa mundo ng entertainment.

Unang nakilala sina Mackie, Keifer, at Francis bilang grand finalists ng Tawag ng Tanghalan Kids at nabuo bilang grupo noong 2017. Matinding galing sa pag-awit ang kanilang ipinamalas na nagdala sa kanila sa iba’t bang panig ng mundo, kabilang na sa Little Big Shots UK, US, at Australia, at nakapag-perform na rin sila sa harap ng iba’t ibang head of states gaya nina Pres. Rodrigo Duterte, Singaporean president Halimah Yacob, at Papua New Guinea prime minister Peter O’ Neill. Sila rin ang itinanghal na grand winner ng ikalawang season ng  Your Face Sounds Familiar Kids.

ARIANA GRANDE TNT BOYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with