Nay Lolit & Nay Cristy
Gretchen at Claudine kasamang nag-dinner si Atong ang, break up nina Angel at Luis naungkat!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

Wow overwhelming ang reaction ng manonood kahapon sa first episode ng digital talk show ng Pilipino Star NGAYON na Take It... Per Minute! hosted by Nay Lolit Solis and Nay Cristy Fermin, ang mga reyna / haligi ng intriga sa radio and television na pareho ring kolumnista ng aming pahayagan.

In all fairness, first episode pa lang mainit na agad ang pinag-usapan.

Kasama sa mga topic na tinalakay nila ang umano’y pagwa-walk out ni Angel  Locsin sa taping ng The General’s Daughter dahil paulit-ulit daw ang take ng bawat eksena eh pagod na pagod na sila.

Bukod pa sa naunang lumabas na palasigaw at palamura ang direktor nitong si Direk Manny Palu.

Ayon sa source ni Nay Cristy, bukod sa palamura ang direktor, kadalasang wala silang script.

Comment ni Nay Cristy sana intindihin din naman ni Angel ang mga maaapektuhan sa ‘galit’ niya dahil nga lumayas na ito sa taping last Monday.

Sagot naman ni Nay Lolit, nang lumipat si Angel sa ABS-CBN from GMA 7 nagkaroon ng ganun issue.

 Hanggang nakonek na ni Nay Cristy ang naging break up nila Angel at Luis Manzano. Naalala ni Nay Cristy noon na may nagkuwento sa kanya na kaya diumano nag-break sila ni Luis ay dahil nang magbakasyon sila sa abroad, nag-LBM daw si Luis at nang gagamit ng CR si Angel nagreklamo raw ito sa amoy. Kaya sa common CR daw ang ginamit ni Angel. Pero common knowledge na meron na silang kanya-kanyang relasyon.

Naniniwala rin sila na may problema sila Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

Pero sabi nga ni Nay Lolit, kung wala na sila eh ‘di ok naman. Maraming ibang ‘babae.’ “Sayang naman ang pitong taon,” hirit ni Nay Lolit.

Ang iniisyu pala kay Daniel diumano ay may iba itong mga babae na nakakasama.

Pinag-usapan din nila ang tungkol sa isyu nina Kris Aquino and Nicko Falcis at kapatid nitong si Atty. Jesus.

Napanood ni Nay Cristy na matabil ang dila ng abogado na inaakusang magnanakaw sina senatoriables  Bong Revilla and Jinggoy Estrada na feeling ni Nay Cristy wala itong karapatang pag-usapan ang pagnanakaw dahil nga sa kasong isinampa ni Kris against them.

Napag-usapan din ang pagbabati nina Gretchen Barretto and Claudine Barretto na nakita nag-dinner four days ago kasama si Atong Ang.

“Ano nga bang relasyon ni Atong Ang and Gretchen,” tanong ni Nay Lolit.

“Ang mga nakakakita sa kanila ang magsasabi kung ano ang relasyon nila,” sagot naman ni Nay Cristy.

Masaya ang usapan nila. Hindi mo namamalayan ang oras.

Actually marami pa silang opinion na binigay na talagang napaka-casual pero maaaliw ka at sapul ang mga isyu.

Anyway, first guest naman nila si Sen. Bam Aquino and his wife Ms. Timi.

Super light ang tsikahan at walang halong pulitika.

Working housewife pala si Ms. Timi at hindi siya masyadong nagpapakita sa political events.

Sinagot din ni Sen. Bam ang tungkol sa bashing. Feeling niya, marunong na ang mga tao. Hindi na basta-basta naniniwala sa bashing and fake news.

Marami pang kuwentuhan ang dalawang senior / veteran showbiz authority like kung paano mahalin ni Jude Estrada si Nay Cristy, na parang nagkamali siya (Lolit) ng pagmamahal kay Jinggoy dahil mas bongga raw na magmahal si Jude at napaka-gentleman na dinadala ang bag ni Nay Cristy.

First episode pa lang ito ang Take It... Per Minute! na mapapanood every Tuesday 12:00 to 1:00 p.m. sa Pilipino Star Ngayon page.

Sa Obra ni Nanay Gallery ginanap ang Take It... na matatagpuan sa Sct. Gandia St., QC. Pag-aari ito ni Nay Cristy at makikita ang magagandang painting na gawa ng mga sikat na artists at mga baguhan.

Special thanks also to Bambbi Fuentes Salon and Papa Ahwel Paz ng Dong Juan na may pa-sorpresang lunch para sa lahat.

TAKE IT... PER MINUTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with