Yasmien
Yasmien
Yasmien handa nang tumanggap ng diploma!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

SEEN: Si Pia Magalona pa rin ang manager ni Lauren Young kahit matagal na itong hiwalay sa kanyang anak na si Elmo Magalona. Masaya si Lauren sa pagpapatakbo ni Pia sa kanyang showbiz career at second mother ang trato ng aktres sa nanay ng ex BF.

SCENE: Si Lauren Young ang magpapahirap sa buhay ng mga karakter nina Yasmien Kurdi at Empress Schuck sa Hiram Na Anak, ang drama series ng GMA-7 na mapapanood simula February 25.

SEEN: Ipinaalam na ni Yasmien Kurdi sa GMA Artist Center na hindi siya tatanggap ng anumang trabaho sa April 6 dahil ito ang graduation day niya na idaraos sa PICC. Nakahanda ang toga at damit na gagamitin ni Yasmien para sa kanyang pangarap na college diploma.

SCENE: Ang Exit Point at Time & Again ang dalawang Tagalog movies na magbubukas ngayon sa mga sinehan. Ang Rockets Productions ni Ronnie Ricketts ang producer ng Exit Point at siya rin ang bida ng pelikula.

SEEN: Ang Regal Entertainment Inc. ang producer ng Time & Again, ang unang movie team up nina Winwyn Marquez at Enzo Pineda. Maganda ang pelikula at may chemistry sila ni Enzo.

SCENE: Special mention ang pangalan ni former First Lady Imelda Marcos sa isang eksena ng The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story, ang crime anthology television series na nagbigay ng mga best actor award kay Fil-Am actor Darren Criss na gumanap bilang Andrew Cunanan, ang Fil-Am na pumatay sa sikat na Italian fashion designer noong July 15, 1997.

SEEN: “Huwag kang mag-alala, nararamdaman kita,” ang reaksyon ni Paolo Ballesteros sa isang Baklash contestant ng Eat Bulaga na pinanghihinayangan dahil guwapo pero gay.

SCENE: Si Billy Crawford ang special guest sa AnneKulit concert ni Anne Curtis sa Ontario, Canada sa March 16, 2019 kaya time out muna siya sa rehearsals ng CR3W, ang concert nila nina James Reid at Sam Concepcion sa April 5 sa Smart Araneta Coliseum.

SEEN: Good for five years ang exclusive contract na pinirmahan ni Coleen Garcia sa Viva Artists Agency noong Lunes, February 18, 2019.

YASMIEN KURDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with