Park
Park
Korean actor na si Park Hyungsik pinilahan!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

SEEN: Tuwang-tuwa ang comedian na si Jobert Austria dahil bilib si Karla Estrada sa talent niya sa pagpapatawa. Si Jobert ang leading man ni Karla sa Familia Blandina, ang come­dy movie na mapapanood sa mga sinehan sa February .

SCENE: Si Dr. Dennis Aguirre ang may-ari ng Arctic Sky Entertainment, ang producer ng Familia Blandina. Frustrated actor si Aguirre na descen­dant ng National Artist for Visual Arts na si Carlos “Botong” Francisco. Kamag-anak din si Aguirre ni former Senator Arturo Tolentino.

SEEN: Umaasa si Karla Estrada na masusundan pa ng another comedy movie project ang Familia Blandina dahil natatawa rin siya sa sarili niya. Tiniyak ni Karla na matutuloy ang kanyang pagbibida sa Barna, ang spoof ng Darna.

SCENE: Hindi big deal na magkasama sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa appreciation party noong Sabado para sa box office success ng JackEm Popoy: The Puliscredibles dahil cast members sila ng pelikula na pinagbidahan nina Maine, Coco Martin at Vic Sotto.

SEEN: Ang nagkakaisang opinyon na carbon copy ni Ardy Roberto ang panganay na anak nila ni 1999 Miss Universe 1st runner up Miriam Quiambao.

SCENE: Ang pagkakaroon ng kambal na anak sa tunay na buhay ang naisip na dahilan ni Carmina Villarroel kaya ina ng mga kambal ang role na ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA 7. Kambal ang anak ni Carmina sa defunct show na Kambal, Karibal at nanay uli ng kambal ang karakter niya sa Kara Mia.

SCENE: Matiyaga na hinintay ng Filipino fans ang Korean actor na si Park Hyungsik sa meet-and-greet nito kahapon sa activity center ng TriNoma. Celebrity endorser si Park Hyungsik ng Bench at ang may-ari nito na si Ben Chan ang nagdala sa kanya sa Pilipinas. Unang bumisita si Park Hyungsik sa bansa noong November 2017 para sa kanyang fan meeting sa Kia Theatre.

SEEN: Masusubok ang hatak ni Yasmien Kurdi sa televiewers sa Hiram Na Anak, ang morning drama series ng GMA 7 na magsisimula sa February 25, 2019. First time ni Yasmien na magkakaroon ng TV show sa umaga dahil pang-hapon ang lahat ng mga past top-rating drama series niya.

PARK HYUNGSIK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with