Miriam nanganak na!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

Isa nang ganap na ina ang 1999 Miss Universe 1st-runner up na si Miriam Quiambao-Roberto matapos nitong isilang sa pamamagitan ng Caesarian section ang unang supling nila ng husband niyang si Eduardo `Ardy’ Roberto, Jr. nung nakaraang Sabado, Feb­ruary 16. Baby boy ang isinilang ni Miriam na may pa­ngalan na Elijah.

As early as February 11 ay in-admit na si Miriam sa pagamutan kaya sa loob ng kanyang hospital room siya nag-spend ng Valentine’s day kasama ang kanyang mister na si Ardy at ang 10-year-old niyang step-son na si Joshua.

Bukod sa flowers na bigay sa kanya ng kanyang mister na si Ardy, sama-sama rin silang kumain sa loob ng kanyang hospital room.

In June 2018 ay resigned na sa idea ang mag-asawang Miriam at Ardy na mag-adopt o di kaya sumailalim ng IVF (in vitro fertilization) procedure pero nung August 19, 2018 ay masayang nag-announce si Miriam sa kanyang Instagram account na siya’y nagdadalang-tao sa magi­  ging first baby nila ni Ardy.

Ang panganay na anak ni Ardy sa kanyang namayapang wife na si Tingting na si Joshua ay kinu-consider ni Miriam na sarili rin niyang anak.

Ang God-centered couple na sina Miriam at Ardy ay parehong book-author, inspirational speakers at entrepreneur.

Maine at Arjo ‘di na nagtatago

Dumalo ang rumored sweethearts na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa appreciation dinner ng Jack Em Popoy: The PulisCredibles, ang 2018 Metro Manila Film Festival movie na tinampukan nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza na dinirek ni Mike Tuviera at magkaka­tulong na prinudyos ng M-Zet Productions ni Vic Sotto, CCM Productions ni Coco Martin at APT Entertainment ni G. Tony Tuviera.

Ang thanksgiving party ay ginanap sa Trellis Manila in Quezon na dinaluhan din ng ibang cast ng pelikula including Arjo, Lito Lapid, Tirso Cruz III, Cherrie Pie Picache, Ryza Cenon, Ronaldo Valdez at iba pa.

Sa set ng  Jack Em Popoy nagsimula ang pagiging malapit sa isa’t nina Maine at Arjo.

Inasahan ding magka-date last Valentine’s day sina Maine at Arjo na sabay umanong dumating sa Pilipinas last Wednesday, February 13. The next day, February 14 ay nag-report si Maine sa Eat Bulaga minus Alden Richards na lumipad naman patu­ngong Iceland nung February 12 ka­sama ang isa sa mga executives ng Eat Bulaga na si Jenny Ferre.

Slater Young nagpakasal na sa blogger

Ikinasal na ang dating big winner ng Pinoy Big Brother: Unli­mited na si Slater Young sa vlogger na si Kryz Uy last February 16 (Satur­day) na ginanap sa Shangri-La Resort and Spa in Mactan, Cebu. Isa sa showbiz friends ni Slater na dumalo sa wedding ay ang Kapamilya singer-actor na si Sam Milby.

It was in March 2018 nang mag-propose si Slater kay Kryz sa gitna ng snow sa Niseko, Japan.

MIRIAM QUIAMBAO-ROBERTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with