Pauleen
Pauleen naghahanda na sa second baby nila ni Vic!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 10, 2019 - 12:00am

Marami ang nagulat sa payat na Pauleen Luna na nag-post sa kanyang Instagram account kamakalawa lang.

Natawa nga si Pauleen nang tinanong ko siya dahil baka maganda lang daw ang anggulo na kuha sa kanya ni Ryza Mae Dizon.

Pero pumayat na nga raw siya dahil puspusan na raw ang diet niya.

Wala naman daw siyang specific na sinusunod na diet, basta nagtanggal na raw siya ng softdrinks at rice.

Sabi naman ni Pauleen, ini-enjoy lang daw niya ang payat-payatan niya, dahil target naman daw nila ni Bossing Vic na magka-baby ngayong taon.

Kahit ang sexy niya ngayon, okay lang daw sa kanya na bumalik ang paglobo ng katawan basta masundan si Baby Talitha.

Bentong matagal nang may sakit!

Isa sa malungkot na balitang pumutok kahapon ay ang pagpanaw ng komedyanteng si Bentong.

Kaagad na kumalat sa social media ang balitang sumakabilang buhay na si Bentong kahapon, February 9 ng mga alas-singko ng madaling araw sa Fairview General Hospital. Sakit niyang Diabetes ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Noon pa man ay nababalitaan na naming may sakit ito pero kailangan daw niyang magtrabaho. Kaya tinulungan ito ni Willie Revillame, isinali siya sa Wowowin.

Tumutulong doon si Bentong kasama ang mga staff at nagpapatawa rin siya minsan kasama ang mga co-host ni Willie.

Pero napansin namin mga last quarter of 2018, hindi na namin napapanood doon ang komed­yante.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, naging sakitin na talaga si Bentong kaya tumigil na ito sa Wowowin.

Hindi naman daw nagpabaya si Willie, at tinutulungan pa rin ito.

Nasa St. Peter Chapel sa Tandang Sora, Quezon City nakaburol si Bentong na si Domingo Vusotros Brotamante Jr. sa tunay na buhay.

Jackielou at Mariz ‘exit’ na kay Gretchen

Hindi naiwasang muling pag-usapan ang tungkol sa reunion ng mga female host ng GMA Supershow nang makatsikahan namin sina Mariz Ricketts at Jackielou Blanco sa presscon ng bagong pelikula ni Ronnie Ricketts na Exit Point.

Natawa nga si Jackielou dahil hindi raw niya akalaing naging isyu pa ‘yung reunion nila nung nakaraang Linggo, February 3.

Nilinaw ni Mariz na si Dawn Zulueta nga raw ang nag-ayos ng reunion dahil nandito si Rachel Ann Wolfe.

Yung unang reunion daw kasi nila, silang tatlo lang nina Maricel Laxa at Rachel Ann ang nakarating kaya ini-assure ni Dawn na maging kumpleto sila.

Natawa na lang sila na naintriga pa ang reunion dahil wala si Gretchen Barretto.

Sabi ni Jackielou, inimbitahan naman daw lahat pati si Gretchen pero hindi lang daw siya puwede. Sinabi naman daw ni Gretchen na baka sa susunod, dyu-join na siya talaga.

Sa totoo lang, wala naman daw problema kung nandiyan si Gretchen sabi ni Dawn.

“We also asked Dawn eh, Kasi nga, di ko na maalala whatever they had. I didn’t even ask anymore.

“Kasi feeling ko, we’re here naman. Pero sabi ni Dawn, ‘Jack, I really don’t mind. It’s really okay with me.

“So, I guess it’s okay. Sa kanya naman nanggaling.

“Siguro feeling ko pag nagkita sila…whatever it is man that they had, siguro okay na yun.

“The fact that, if available si Gretchen, she would have been there…so I guees na whatever man ano…siguro tapos na sa kanila yun,” sabi pa ni Jackielou.

Nung nag-reunion sila, nagkapalitan daw sila ng numbers at bumuo sila ng Viber group.

Natawa na lang sila sa intrigang tanong namin kung nasa Viber group na ba nila si Gretchen.

“Hindi ako sure eh, tingnan ko,” safe na sagot ni Mariz sa amin.

Basta dapat mag-promote daw sila ng pelikulang Exit Point ni Ronnie Ricketts, hindi ‘yung  kanilang reunion.

Ang sure lang daw sila, na masundan ang reunion na yun at sana kumpleto na silang lahat.

Sabi na lang ni Mariz. “Basta sa February 20 na ang showing ng Exit Point.”

Ibig sabihin, exit na rin si Mariz at Jackielou sa intriga sa kanilang reunion.

PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with