Jessy may bagong career na!

Jessy

Katulad ng ibang artista ay pinasok na rin ni Jessy Mendiola ang paggawa ng video blogs.

Para sa aktres ay ginagawa niya ito upang makatulong at mas makilala pa ng kanyang mga tagahanga. “Kasi siyempre people, parang they know me lang sa panlabas. They know me lang about you know, the issues and stuff. Now na parang I feel that I have to explore more, kaya ako nagba-vlog. And marami na rin nagre-request ng kung paano ba ako pumayat, paano ba ako nag-lose ng weight. So sabi ko para maramihan na ‘yung sagot, mag-vlog na lang, para makatulong din ako,” paliwanag ni Jessy.

Ayon pa sa dalaga ay mas kaabang-abang ang mga susunod niyang ia-upload para mas maging masaya ang mga sumusuporta sa kanyang vlogs. “Nag-shoot na ako ng content, maraming-marami na. Siguro dahil maraming nagre-request ng make-up tutorial, skin care routine. May isa pa eh, about diving. Mainit naman ‘yung pagtanggap nila sa vlog ko. And I’m very happy, people get to know me more because of it,” pagbabahagi ni Jessy.

Samantala, ngayong araw ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang ‘TOL’ na pinagbibidahan nina Joross Gamboa, Ketchup Eusebio at Arjo Atayde kung saan ay si Jessy naman ang gumanap bilang leading lady.

Robi negosyante na rin, naghahanda sa kinabukasan!

Bukod sa pagiging TV host ay abala rin si Robi Domingo sa kanyang mga sariling  negosyo. Isang dekada na sa show business ang aktor kaya sinisigurong maayos ang kinalalagyan ng mga perang kanyang kinikita. “I’ve got an events company. It started out three years ago. Tapos ‘yung milk tea brand na na-franchise namin, super sikat siya right now. And hopefully in the next ten years, mas sikat pa rin siya. It’s being run by my friend and my brother. So that’s good business naman, and into buying units for leasing,” pagbabahagi ni Robi.

Gusto ng binata na magkaroon ng mas magandang kinabukasan kaya pinasok ang pagnenegosyo habang kumikita bilang isang artista. Naniniwala si Robi na hindi panghabangbuhay na trabaho ang pagiging isang aktor. “Kasi iniisip ko kailangan mo i-diversify ‘yung mga baskets mo rin kasi at least in the future ang aim mo eh is stability. When we think of stability, medyo frightening siya. Kasi ngayon we’ve got lots of work. Pero what if in the future wala na? So kailangan we think ahead,” makahulugang paliwanag niya.

Show comments