^

PSN Showbiz

Christopher swak sa gustong drama ni Alden

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Christopher swak  sa gustong drama  ni Alden
Boyet

Drama ang gusto ni Alden Richards na unang maging project niya for 2019.

Mas gusto muna ni Alden ang heavy drama dahil nami-miss niya ang mga eksena na talagang heart-tugging at makabagbag-damdamin.

Dapat lang dahil kilala naman si Alden bilang drama actor at pinatunayan niya na mahusay siya sa mga seryoso na pagganap.

Wish ko lang na sana, ibigay na GMA-7 ang matagal nang hiling na magsama uli sila ni Maine Mendoza sa isang teleserye.

It’s about time na magsama na sila muli at sana matupad din ang wish ni Christopher de Leon na makasama sa project si Alden dahil nagustuhan niya ang past projects ng Pambansang Bae.

Kung drama ang gusto ni Alden, dapat talaga na kasama si Christopher dahil sure na magiging dramang-drama ang mga eksena.

Samantala, talagang iba kapag si Alden ang nagbigay ng Thanksgiving Party. Ang saya-saya dahil feel mo talaga ang sincerity niya sa press people.

Nakakatuwa dahil umaapaw ang mga pagkain, maraming giveaways at talagang umuwi nang masaya ang lahat.

Kawawa nga si Angel Javier Cruz dahil hindi naintindihan ng iba ang ginawa niya sa raffle draw na isinali uli ang mga nanalo ng minor prizes sa major raffle draw kaya si Gorgy Rula, win ng P15,000 at si Nitz Miralles, nanalo ng P20,000.

Love talaga ng showbiz press si Alden kasi marunong siya na mag-appreciate ng mga naitulong ng mga tao na nagmamahal sa kanya.

Napakaliit na bagay kung iisipin mo pero malaki ang nagagawa dahil hindi nalilimutan ng mga pinasaya ni Alden.

Parang mga bata ang mga reporter na nanalo kahit maliit na prize ang premyo dahil mas mahalaga na nakasama nila si Alden at well-appreciated ang effort nito. I salute Alden, and more blessings for a guy who knows how to share.

Kris kayang-kaya i-handle ang mga problema

I feel sad sa mga nangyayari ngayon sa buhay ni Kris Aquino. Imagine na magkaroon ka ng lupus (kung totoo nga na may lupus siya) at may dalawang anak na inaalagaan.

Nagkaroon lang tayo ng awareness tungkol sa lupus dahil kay Diwa Party-List House Representative Emmeline Villar na talagang ibinuhos ang oras niya para matulungan ang mga lupus patient.

Grabe pala ang lupus dahil buong buhay mo na dadalhin. Mabuti pa si Congresswoman Emmie dahil may mapagmahal siya na asawa, si DPWH Secretary Mark Villar at matibay na support group.

Si Kris, kahit nandiyan ang mga kapatid, lagi pa rin laman ng isip niya ang mag-aalaga kina Josh at Bimby kung sakaling may mangyari sa kanya.

Ang ma-secure ang future ng dalawang anak ang madalas na sabihin ni Kris.

Dagdag na stress pa ngayon ang pagsali ni Gretchen Barretto sa usapan ng Kris at Nicko Falcis.

Naku, si Kris pa, kaya niya na i-handle ang lahat ng gulo sa paligid niya. Mukha lang siyang fragile, but very strong kaya sure ako she will pass the issues with flying colors.

Mukhang madali nang i-handle ngayon ang lupus kesa noong panahon ni ex-President Ferdinand Marcos na nagkaroon din ng lupus illness kaya magiging magaan na para kay Kris ang lahat.

Nandiyan pa si Cong. Emmie Villar na tiyak na malaki ang maitutulong sa kanya, kung kailangan niya ng suporta. Carry on Kris, fighting!

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with