Martin mas sariwa ang hitsura

Ang ganda ni Martin del Rosario sa poster ng pelikulang Born Beautiful.

Viriginal ang pagkaayos at parang girlish talaga. Pero may special participation naman ang original na character sa Die Beautiful na si Paolo Ballesteros.

Kung sabagay mas bagets naman kasi si Martin kesa kay Paolo kaya iba ring lumabas nang mabihisan si Martin sa pelikulang obra ni Perci Intalan.

Mapapanood ang uncensored version ng Born Beautiful – one screening only – sa January 18, 2019, 7 p.m. UP Cine Adarna.

Meron kasing putol ang ipalalabas sa mga commercial theater dahil sa maseselang eksena.

Show comments