Troy nanghihingi ng kape sa social media

Troy

SEEN: Pinakamatino na pelikula ni Vic Sotto ang komento ng mga nanood ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles dahil ipinakita rin ng veteran comedian/television host na may ibubuga siya sa drama.

SCENE: Kung sasali uli si Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival sa 2019, dapat na mag-isip siya ng bagong brand of comedy ang suggestion ng fans niya dahil nalulumaan na sila sa comedy na kanyang ipinakita sa Fantastica.

SEEN: Pinipintasan ng paying moviegoers ang ibang mga pelikula na kalahok sa 44th Metro Manila Film Festival. Ang selection committee ng MMFF ang may pananagutan dahil sila ang pumili, kahit marami ang higit na karapat-dapat na makasali.

SCENE: Ang Otlum na ang pumalit sa number 8 slot na dating hawak ng Rainbow’s Sunset sa MMFF 2018 race dahil nadagdagan ang mga sinehan at viewers ng pelikula ni Joel Lamangan mula nang manalo ito na best picture.

SEEN: Si Cristine Reyes ang ipinalit kay Claudine Barretto sa pelikula na dapat na gagawin nito sa Viva Films at mula sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

SCENE: Sa March 2019 ang cinema playdate ng Eerie, ang horror movie nina Charo Santos, Bea Alonzo at Jake Cuenca.

SEEN: Not funny at all dahil nagmistulang pathetic si Troy Montero sa kanyang panawagan sa mga coffee brand company para bigyan siya ng ex-deal: “Dear Coffee brands, I’m a new Dad again to a beautiful baby girl. I’m officially back on #TeamNoSleep is there anyone out there who would like to sponsor me? Looking for at least 3-4 delicious cups of coffee a day. Please DM me.”

Show comments