Kevin pumiyok sa sexual assault issue

Kevin

Kung trending ang MMFF 2018, trending din ang Hollywood actor na Kevin Spacey dahil sa bintang sexual assault sa isang 18-year old boy sa Nantucket, Massachusetts, na nangyari more than two years ago.

Diumano’y lasing daw ang award winning Hollywood actor nang dukutin nito ang ari ng binata na anak ng isang dating news reader.

Hindi ito ang first time na naisyuhan ang actor ng sexual advances.

Kahapon din ay nag-release naman ng YouTube video ang actor na bagama’t walang pintatamaan ay parang may konek sa kaso na umano’y magkakaroon ng arraignment sa January 7.

“I’m certainly not going to pay the price for the things I didn’t do. You wouldn’t believe the worst without evidence, would you? You wouldn’t rush to judgements without facts,” bahagi ng mga dialogue niya sa video clip na may pamagat na Let Me Be Frank. First time niyang lumantad simula nang maakusahan siya ng sexual assault noong November.

In character siya sa nasabing video sa political drama na House of Cards na si Frank Underwood.                       

Show comments