^

PSN Showbiz

Anne napi-pressure sa Aurora

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Anne napi-pressure sa Aurora
Anne

Naniniwala si Anne Curtis na isa sa mga pipilahan ng mga manonood sa nalalapit na Metro Manila Film Festival ay ang pelikulang Aurora na kanyang pinagbibidahan.

Hilig daw kasi talaga ng mga Pinoy ang manood ng horror films. “I have so much faith in this film because at the end of the day, it’s not about me, it’s about the film and that’s what I’m really hoping na matulungan n’yo kami. Spread the word and how amazing this film is para panoorin nila. Hindi lang kung sino ‘yung artista kundi gaano kaganda ang pelikula namin,” nakangiting bungad ni Anne.

Aminado ang aktres na nakararamdam siya ng kaba para sa pelikula dahil wala siyang katambal at kakaunti lamang ang kanilang cast dito. “Na-pressure ako dahil sa sinasabi na wala akong kasama, walang all star cast. But at the end of the day, I hope people decide to watch this film not because it’s me, but because they really want to watch an amazing and quality film for the Metro Manila Film Festival,” paglalahad ng aktres.

Sa Batanes pa kinunan ang karamihan ng mga eksena ng Aurora at ayon kay Anne ay talagang na-enjoy niya ang lugar. “It was the most amazing fifteen days of my life. It was my first time in Batanes, sobrang ganda ng Batanes. Kahit kung saan kami nag-shoot, kahit sa pinakadulo ng isla, it was so quiet and beautiful kaya talagang you get to enjoy kung ano ang nakapaligid sa iyo,” pagtatapos ni Anne.

Marlo, iyak nang iyak sa shooting

Kabilang si Marlo Mortel sa pelikulang One Great Love na pinagbibidahan nina Kim Chiu, JC de Vera at Dennis Trillo.

Kakaibang karanasan daw para kay Marlo na makatrabaho ang mga bida at maging ang direktor nitong si Eric Quizon. “Sobrang gaan ‘yung feeling especially nakatrabaho ko na si direk Eric dati sa Oh My G! I’m grateful kasi nagbibigay siya ng mga advice para maging better kami sa craft namin. Si Kuya Dennis tahimik siya pero nakikita mo talaga seryoso nga siya sa craft niya, nag-i-internalize talaga siya. Si Kim, bubbly, mabait. Pero si Kuya JC, hindi ko pa siya nakakaeksena eh,” pagbabahagi ni Marlo.

Ayon sa aktor ay sobrang nahirapan siya sa shooting ng nasabing MMFF movie dahil ito ‘yung mga huling araw ng inang namayapa apat na buwan na ang nakalilipas. “Naging mahirap sa akin ‘yung pagsu-shoot nito. May time kasi na ‘yung talaga ‘yung last day ng mom ko tapos kinabukasan namatay siya. So hindi ko alam kung dapat ba nando’n ako sa Tagaytay to shoot this film. Kasi nag-commit ako so kahit gano’n na ‘yung condition ng mommy ko, nando’n ako sa set iyak ako nang iyak, hindi ko talaga mapigilan. Dying na talaga siya at that time. Parang I wanted to die at that time din pero kailangan ko ituloy ‘yung work,” kwento ni Marlo.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with