Mike ipinasilip na ang baby, misis ‘tinatago’ pa rin

Mike

Sinimulan ng Kapuso actor na si Mike Tan (31) ang taong 2018 nang masa­yang bahagi ng kanyang buhay nang kanyang pakasalan ang longtime non-showbiz girlfriend of 12 years nung January 22, 2018. At noong December 4, ay ipinanganak nito ang una nilang baby girl.

Kilala si Mike sa pagiging malihim pagdating sa kanyang personal na buhay dahil hanggang nga­yon ay ayaw pa rin nitong i-share sa publiko ang pangalan at litrato ng kanyang wife.  Hindi rin sinasabi ni Mike ang pangalan ng kanilang first baby although ibinahagi nito sa kanyang Instagram account ang litrato nila ng kanyang baby.

Si Mike ay huling napanood sa panghapong serye ng Kapuso network, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka na pinagtambalan nila ni Yasmien Kurdi.

Rhen at Kokoy naghihintay ng tamang panahon

Parehong naniniwala ang mga young singer-actor na sina Rhen Escano at Kokoy de Santos na pana-panahon ang pagsikat ng mga artista.

Sina Rhen at Kokoy ay dating mga kasama­han nina Sanya Lopez, Jak Roberto, Ken Chan, Jake Vargas, Michael Pangilinan at Marlo Mortel sa now-defunct late night Kapuso show, ang Walang Tulugan with the Master Showman ng yumaong star builder na si German “Kuya Germs” Moreno.

While they are happy for their former colleagues sa Walang Tulugan…. umaasa naman sina Rhen at Kokoy na dara­ting ang kanilang panahon.

Although nakagawa na rin si Rhen ng ilang serye sa Kapuso Network, huli siyang napanood sa action-fantasy primetime series na La Luna Sangre na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Richard Gutierrez. May tumatakbo rin siyang TV series ngayon sa Viva TV.  Si Kokoy naman ay suki na rin sa MMK at may recurrent guest appearance sa primetime series na Ngayon at Kailanman na tinatampukan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Nash at Mika first time magpa-pasko together

Hindi ikinakaila ng young actor na si Nash Aguas na 7 years old pa lamang daw siya noon ay crush na niya ang kanyang dating kasamahan sa long-running kiddie gag show na Goin’ Bulilit na si Mika dela Cruz, ang nakababatang kapatid ng Kapuso singer-actress na si Angelika dela Cruz.  Nagkataon naman na crush din siya ni Mika pero dahil pareho pa silang bata at takot ang young actress sa kanyang Ate Angelika ay isinantabi muna niya ang kanyang nararamdaman para kay Nash.

Fast forward. Nagpay-off ang pagtitiyaga ni Nash dahil nung October 20, 2018 ay official na silang naging magkasintahan. Tanggap na rin siya ng pamil­ya ni Mika lalung-lalo na ng kanyang Ate Angelika na siyang gumagabay sa kanyang bunsong kapatid.

Kaya magiging masaya   ang Christmas celebration nina Nash at Mika.

Show comments