Paggawa ng pelikula maganda na ulit gawing negosyo!

Hindi na naghihingalo ang pelikulang lokal. Naka-survive na ito, tayung-tayo na at nagbabadya pa ng paglakas lalo sa takilya sa mga susunod pang araw at buwan.

Bago na rin kasi ang mga manonood, hindi lamang sa kanilang panlasa kung hindi sa malawak nilang pananaw sa kung ano ang gusto nilang ma­kita at mapanood sa screen.

Kailangang makampante na ang mga guma­ga­wa ng pelikula, isa na muling magandang ne­gos­yo ang film production.

Nagpalitan lang sa pag­gawa ng mga box-office films ang Viva Films at Star Cinema. Dala-dalawang pelikula na nakasama sa top 10 sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Bela Padilla, Carlo Aquino, Angelica Panganiban at James Reid.

Ex-housemate sa PBB Art Guma, kinakiligan paglabas!

Hindi nagpakita ang ex-housemate na si Art Guma ng angas sa loob ng PBB (Pinoy Big Brother) house kaya marahil ikalawa siya sa maagang na-evict sa mga housemate. Pero, parang nag-iba at nagkaroon ng appeal ang kanyang personali­dad nang ma-interview siya ni Boy Abunda sa prog­rama nito. Bigla, napansin at nakuha niya ang sim­patiya ng manonood lalo na sa makabagbag damdamin niyang kuwen­to tungkol sa kanyang buhay.

Marami ang nanghinayang at hindi nila na­kilala ito ng lubusan bilang housemate. Guwapo pa na­man siya, marunong su­­magot at nagbabanta ng kilig kahit nagsasayaw lamang.

Type nila yung reaksyon niya bilang sagot sa kung totoong na-in love siya sa nakaalitan niyang housemate.

Malaki ang potensyal niyang sumikat. Kailangan lamang niya ng mara­ming workshops, isang mahusay na manager at publicist.

Tommy hindi nakasingit kay Kathryn

Napaka-thoughtful boy­friend ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo. Napa­ka-supportive nito sa movie ng dyowa niya kahit hindi siya kasama sa Three Words to Forever, siya pa rin ang nag-escort kay Kathryn sa red carpet premiere nito. Kasama rin siya sa premiere ng movie sa iba’t ibang bansa at hindi uuwi hanggang sa huling premiere ng movie sa UK. Poor Tommy Esguerra na sa movie lang nagka-tsansa kay Kathryn dahil sila ang partners sa pelikula dahil after the principal photography, Daniel took over.

Show comments