Talent fee ng K-Pop Superstar hindi kaya ng pinoy producer, Park Bo-Gum darating!

BTS at Park Bo-gum

MANILA, Philippines — Malabo palang mag-concert dito sa atin ang K-pop superstar na kinababaliwan  ng maraming Pinoy fans, ang BTS.

Hindi raw keri ang talent fee. Ayon sa isang promoter, nag-compute na sila at lumabas na P50,000 each dapat ang ticket price na hindi kakayanin ng maraming Pinoy fans ng K-pop.

Base sa computation nila, hanggang P15,000 lang ang advisable sa fans na crazy over  BTS.

Ang BTS ang pinakasikat na K-pop group worldwide.

Ka-level na rin ng BTS si Justin Beiber sa listahan ng triple-digit weeks sa Billboard’s Social 50 chart kung saan ayon sa story ng Billboard ay nanguna ang kanta ng K-pop superstar ng 100 weeks.

Pero ang isang sure raw na bibisita ng Manila ay ang Korean actor na si Park Bo-gum ayon kay Madam promoter na nakatsika namin last weekend sa Hongkong.

Sure na raw ‘yun at wala nang atrasan. Sumikat si Park sa mga Pinoy dahil sa palabas niyang Love in the Moonlight na napanood sa ABS-CBN.

Show comments