Alessandra at Paolo nakakaiyak ang ginawa
MANILA, Philippines — Sobrang nakakaiyak ang pelikulang Through Night & Day nina Alessandra de Rossi and Paolo Contis.
Akala ko, simpleng love story lang, pero tounching ang mga pangyayari habang tumatagal ang takbo ng kuwento na almost 50 % ang kinunan sa Iceland.
Parehong magaling at natural ang acting nina Alessandra and Paolo na first time nag-leading man.
Showing na ang movie starting tomorrow, Wednesday, na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Sana nga ay kumita ang pelikula. Lately kasi ay lahat semplang sa takilya ang mga Tagalog films na pinalalabas. As in super flop na ikinalulungkot ng maraming industry insiders lalo na nga’t magse-celebrate next year ng 100 years ang Philippine Cinema.
- Latest