Tony
Tony aminadong lapitin ng mga matrona
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2018 - 12:00am

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa digital film na Glorious. Pinagbibidahan ito nina Angel Aquino at Tony Labrusca na maraming ginawang maseselan na eksena sa nasabing pelikula.

Aminado si Tony na nahirapan siya nang gawin ang maiinit nilang eksena ni Angel lalo na’t halos kalahati ang agwat ng kanilang mga edad. “It took a while but me and Angel had so much respect for each other. I mean I had so much respect for Angel and she’s really a lovely person to work with. We both just have a sense of respect for each other. I was very shy and I was honest with her about how I felt and we just try to help each other out,” pagbabahagi ni Tony.

Ayon sa baguhang aktor ay naranasan niya sa totoong buhay na may ilang mga may edad nang kababaihan ang nagkakagusto sa kanya. “Actually sa totoo lang, hindi masyado nagkakagusto sa akin ‘yung mga girls na age ko, laging matrona ‘yung nagkakagusto sa akin. Kaya nakakatuwa na biglang umabot sa point na nagka-movie na ako about that situation,” pagtatapat ni Tony.

Malaki ang pasasalamat ng binata sa mga magagandang komento na kanyang naririnig at nababasa tungkol sa bagong pelikula. “Thank you so much for the positive feedback. I’m really happy that everyone appreciates it and I’m just grateful for the response. Honestly kami po ni Angel, I will be speaking for myself, hindi naman po ako nababastos sa sinasabi nila. I’m just happy na nagsu-support po sila,” pagtatapos ni Tony.

Ariella na-shock nang makasama sina Angelica at Zanjoe

Masayang-masaya si Ariella Arida dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabak na siya sa pag-arte sa harap ng kamera. Kabilang ang dalaga sa teleseryeng Playhouse na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. “First time ko to do acting, so parang awkward ko talaga, super. Pero I’m super thankful sa production, sa director namin, super supportive sila and talagang tinutulungan po nila ako kung paano ‘yung super okay na acting and all,” nakangiting pahayag ni Ariella.

Bilang isang baguhang artista ay hindi raw masyadong nahirapan ang dalaga sa kanyang role sa nasabing serye. “I’m happy rin kasi with the character that I’m playing parang close siya sa mga lead and close rin kung paano ‘yung pagkatao ko na independent, sweet na friend. Kumbaga nakatulong po ‘yon,” pagbabahagi ng beauty queen.

Nagpapasalamat si Ariella kina Angelica at Zanjoe dahil sa paggabay sa kanya sa mga eksenang ginagawa. “Noong una, na-star struck ako kaya siguro noong una medyo nahirapan ako to do acting. Kasi nando’n ‘yung feeling na, ‘Shocks! Ito ‘yung pinapanood ko, sobrang galing nila umarte.’ So ayun talaga ‘yung una kong naiisip. Pero sila ‘yung nakatulong sa akin kasi ang warm nila. Hindi nila pinaramdam sa akin na bago ako,” kwento ni Ariella.

ANGEL AQUINO TONY LABRUSCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with