^

PSN Showbiz

Aktres at pulitiko na pabulong lang ang relasyon, malapit nang mag-out!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa maraming pagkakataon ay pinupuri ng aming source ang isang kilalang aktres at ang karelasyon niyang pulitiko. Wala man silang inaamin sa publiko tungkol sa kanilang relasyon ay hindi naman nila pinababayaan ang kanilang anak.

Matagal nang pinag-uusapan nang pabulong ang kanilang relasyon, ‘yun pa nga ang sinasabing naging dahilan ng paghihiwalay ng aktres at ng kanyang aktor na mister, pero hindi pa rin sila umaamin sa publiko.

Pamilyado kasi ang pulitiko, ang aktres naman ay tapos na sa pakikipagrelasyon sa aktor, meron silang mga balidong dahilan para hindi ipagbanduhan ang kanilang pagsasama.

Kuwento ng aming source, “Sa school kung saan nag-aaral ang anak nila, e, magkasama silang dumarating kapag kailangan ang parents sa okasyon.

“Dalawa silang dumarating, hindi basta ang politician lang o ang female personality, pareho nilang binibigyan ng panahon ang anak nila.

“Naku, hindi naman maikakailang anak ng politician ang bata, malaki ang nakuha ng bata sa itsura ng father niya, konting-konti lang sa mommy niya.

“Ang daming natutuwa kapag nakikita silang dumarating sa school, hindi kasi nila ‘yun itinatago, talagang punumpuno ng pagmamahal ang bata mula sa parents niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Ngayong lumalaki na ang bata ay binibigyan na rin ng female personality ng espasyo ang kanyang anak sa pulitiko sa mga larawan nilang mag-iina na ipino-post niya sa social media.

Patuloy na kuwento ng aming source, “Nu’n kasi, e, hindi nila isinasama ang bata kapag lumalabas sila ng mga anak niya sa male personality. Sila-sila lang ang magkakasama.

“Pero may mga times nang isinasama nila ang bagets, may name na rin sa caption, hindi tulad nu’n na pamangkin lang kung ipakilala nila ang bata.

“Saka mahal na mahal ng mga anak niya ang bata, iba lang ang itsura ng bagets kesa sa mga kapatid niya, pero ramdam na mahal na mahal siya ng mga kapatid niya.

“One day, e, hindi lang sa school ng bagets makikitang magkakasama ang bata at ang mga parents niya. Lalantad na rin sila, aaminin na nila ang totoo, dahil para naman sa bata ang gagawin nilang dalawa,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jericho minumura-mura sa kahusayan

Kailangan naming ibigay ang kre­dito kung kanino dapat ibigay. Sa magkakasunod na gabing tinututukan namin ang seryeng Halik ay lalo kaming pinahahanga ni Jericho Rosales.

Habang nadadagdagan ang kanyang edad ay mas kumikinang ang husay sa pagganap ni Echo. Literal na mata lang ang armas ng magaling na aktor. Wala siyang eksenang humahagulgol, walang pag-arteng taliwas sa papel na ginagampanan niya, napag-iwanan na nga ni Echo ang mga kapwa niya hunks ng ABS-CBN.

Nakibalita kami sa isang staff ng produksiyon ng Halik, ang sabi nito, “Kahit nga kami sa set, pinapalakpakan namin ang mga eksena niya. Napakanatural kasing umarte ni Echo, walang kahirap-hirap sa kanya ang director at ang scriptwriter.

“Saka very positive siyang katrabaho. Pagdating niya sa set, iikutan muna niya ang mga crew, makikipag-high five siya, bumabati siya sa lahat. Masarap katrabaho ang tulad ni Jerciho,” kuwento ng ­aming kausap.

Minsan pang pinahanga ni Echo ang mano-nood sa komprontasyon nila ni Yam Concepcion, ang tahimik lang sa tunay na buhay na aktres, pero ngayon ay pinagmumumura at pinakakain ng ampalaya sa social media dahil sa kanyang pangangaliwa kay Jericho bilang si Lino.

Gabing-gabi na ay tunog pa rin nang tunog ang aming cellphone, puro papuri kay Echo ang aming nababasang komento, “Hayup ka talaga, Jericho Rosales! Hayup ka! Ang galing-galing mo!”

‘Yun ang eksenang humihingi ng annulment si Jade (Yam) kay Lino. Mas masaya raw kasi ito sa piling ni Ace (Sam Milby), pagod na pagod na raw itong maghintay sa mga pangako sa kanya ni Lino, kaya gusto na nitong makalaya sa kanilang relasyon.

Matagal ang tutok ng mga camera kay Echo, sinapul nito ang napakasakit na emosyon ng aktor, tanging pangingilid lang ng luha ang naging reaksiyon ni Jericho sa pagtungayaw ni Yam.

Maya-maya ay sinabi ng aktor, “Kung ang inaasahan mo, e, ibibigay ko ang gusto mo para sa isang lalaking ibabasura ka lang, hanapin mo ‘yang annulment mo sa ibang lugar!”

Tumalikod siya, sumakay sa motorsiklo, naiwang humahagulgol ang kanyang kaliweteng misis sa istorya.

Palakpakan!

vuukle comment

MAG-OUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with