Rico magandang alaala ang naiwan!

Rico

Bongga ang reaction sa pagkamatay ni Rico J. Puno ha, Mama Salve.

Iyon ang tamang reaction sa isang mabait at mahusay na tao, lahat nanghihinayang, lahat pag naalala siya nakangiti at masaya.

Hindi lahat ng nawawala ay nagkakaroon ka ng feeling na ganyan. Iyon iba, ok lang tahimik lang ang reaction, ang iba nabigla man, hindi mo dama na nanghinayang.

Siguro when you die and people still talk highly of you, iyon ang pinakamasarap na paglisan. Iyon naiwan mo ang magandang legacy, ang magandang alaala, wala kang nasaktan, wala kang naapakan, pinagdamutan, o kaya ay may iniwan kang may galit sa iyo.

Ang sarap mamatay na alam mong people will always remember you with fondness.

Basta we should not leave this world na hindi naayos ang lahat. Dapat, bago ka umalis, ayusin mo ang mga bagay na magiging pabigat sa paglisan mo. 

For that, Rico J will now rest in peace dahil alam niya, nag-iwan siya ng magandang tatak at forever nang hindi mabubura.

Sabi nga ni Martin Nievera ‘now that you are in heaven, behave’ hah hah.

Huwag mo bigyan ng green jokes si St Peter, pagalitan ka niya Rico J.

Rico may obituary sa New York Times

Dahil bongga ang reaction, dumagsa rin ang mga nakiramay sa pamilya na naulila ni Rico J sa unang gabi ng burol nito noong Martes sa chapel ng San­tuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City.

Public knowledge na may sakit sa puso si Rico at may pacemaker na siya pero mara­mi pa rin ang nabigla sa pagpanaw niya.

May mga reaksyon na kapapanood ko pa lang sa kanya, nakita ko lang siya just recently at kung anik-anik pa.

Nakalimutan yata nila ang kasabihan na “death comes like a thief in the night”  kaya anything is possible na mangyari.

Kung hindi pa sumakabilang-buhay si Rico, hindi malalaman ng millennials na superstar siya noong dekada ’70 dahil sa kanyang phenomenal na pagsikat.

Hindi pa uso noon ang social media kaya you can’t just imagine ang magnitude ng popularity ni Rico kung ngayon siya sumikat.

Certified hits ang lahat ng mga kanta at album ni Rico noon. In demand din siya sa mga concert at television guestings.

Pinagkakaguluhan si Rico ng fans at siya ang crush ng halos lahat ng mga kababaihan kesehodang hindi pang-matinee idol ang itsura niya.

Ang malakas na sense of humor ni Rico ang isa sa kanyang appeal sa masa na taglay niya hanggang bawian siya ng hininga sa edad na 65 noong Martes, October 30.

Joker si Rico kaya parang nai-imagine ko ang sasabihin niya tungkol sa kanyang pagpanaw, “humabol pa siya sa All Souls’ Day.”

At kung nasaan man ngayon si Rico, sure ako na feeling proud siya dahil sa obituary tungkol sa kanya na lumabas kahapon sa New York Times. Sosyal di ba?

May title na Rico J. Puno, Soul Music Pioneer in the Philippines, Dies at 65 ang news item tungkol sa kanya.

Isang Mike Ives ang nagsulat ng report at ito ang bahagi ng balita niya sa New York Times. Narito ang ilang bahagi ng nasabing news item sa kanya:

“Rico J. Puno, a pop singer from the Philippines who channeled American superstars to forge a distinctive brand of local soul music, died on Tuesday in Taguig, east of Manila. He was 65.

Mr. Puno became famous in the 1970s by covering American hits — including Barbra Streisand’s “The Way We Were” and Marvin Gaye’s “Baby I’m for Real” — in a mix of English and Tagalog, the country’s dominant language. Those recor­dings put him in the vanguard of the Manila Sound, Filipino popular music from roughly the mid-1970s through the end of the Ferdinand Marcos era, in 1986.”

Babaeng hubad talk of the town

Kaloka naman ang kumalat na viral video ni Cesar Montano na talk of the town dahil biglang umapir ang isang hubad na babae habang gumagawa ang aktor ng birthday greeting para sa isang konsehal.

Apparently, hindi napansin ni Cesar ang biglang pag-enter frame ni girl dahil kung nakita agad ito,walang dahilan para ipadala pa niya sa recipient ang video.

May dapat ipaliwanag ang kagawad na binati ni Cesar ng happy birthday tungkol sa pagkalat ng video dahil silang dalawa lang ang may kopya at obvious na may kinalaman siya.

Show comments