Parokya ni Edgar Live in Laguna...

MANILA, Philippines — Paki ng friend kong si BT : Live sa Laguna ang Parokya ni Edgar sa Nov. 3, 8:00 p.m. sa bagong bukas na Sta. Rosa Sports Complex in Sta. Rosa City, Laguna.

Ang nasabing concert ay produced ng Aldueza Events Production (AEP) and presented by Frontrow International.

Walang kupas ang mga kanta ng Parokya ni Edgar na nagsimulang sumikat noong 1993. Kilala ang banda sa kanilang original rock novelty songs and often satirical covers of popular songs ng both foreign and local artists.

Simula noon ay kinilala na ang galing ng PNE at tinawag na silang Pambansang Banda ng Pilipinas dahil na rin sa rami nang natanggap na awards at hit songs.

Ang AEP, ay pag-aari ni Glenn Aldueza, a young businessman from Cabuyao, Laguna, na producer din ng box-office hit concerts including the provincial concerts of Morisette in Laguna, Cebu and Davao. Very recently, AEP brought the international band A1 to Cebu for a highly success concert.

For ticket inquiries on Parokya ni Edgar Live in Laguna, call 0947-3769598.

Show comments