Concert goers aligaga na kina Jason at Rita

Jason

Habang nagkakagulo ng bashers ni Regine Velasquez, abala naman ang maraming concertgoers sa pag-iipon para sa concert ng international singer na sina Jason Mraz and Rita Ora next year.

Si Jason Mraz ay nag-promote na sa kanyang IG account. “Manila. Singapore. Hong Kong. Bangkok. Taipei. Shanghai. Start warming up your vocal chords because Good Knews! Good Vibes is finally co­ming to Asia in 2019,” sabi ng favorite singer namin sa kanyang IG.

Si Jason sa May 2019 at sa March 2019 si Rita Ora.

Kung bakit naman kasi pinag-iinitan nila ang paglipat ni Regine. Kung ayaw nila eh ‘di ayaw nila at ‘wag silang manood ng show ni Regine sa ABS-CBN.

Bakit kailangan pang mam-bully sa social media. 

Show comments