^

PSN Showbiz

Solenn nagbuyangyang ng boobs

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Solenn nagbuyangyang ng boobs
Solenn

Tinalbugan ni Solenn Heussaff ang mga naunang pagpapa-sexy niya dahil pumayag siyang mag-topless sa isang horror movie project ni Adolf Alix, Jr. na Misterio dela Noche. Unang binalak na isali ito sa MMFF 2018 pero, hindi umubra dahil R-18 ang rating na nakuha nito, eh sa MMFF kailangang pati bata ay pwedeng manood. Kasama ni Solenn sa movie si Benjamin Alves. Dahil isang love story ito kung kaya tinatarget ang Valentine’s Day para sa pagpapalabas nito.

Sarah at Zion, umangkas na rin sa pelikula ni Vice

O, di ba, nauna ko nang sinabi na dadami pa ang mga artistang makakasama sa Metro Manila Film Festival 2018 entry ni Vice Ganda na Fantastika?

Pinaka-latest na sasali sa cast ng movie ay ang mag-inang Sarah Lahbati at Zion Gutierrez. Nakumpirma ito sa birthday celebration ni Annabelle Rama na kung saan ay nakita’t nakausap ng media ang naki-kibirthday din na bagets.

Albie magiging lover ni Sunshine

Si Albie Casiño pala ay gaganap bilang lover ni Sunshine Dizon sa Rainbow’s Sunset ng Heaven’s Best Entertainment na mabilis kumukuha ng atensyon ng manonood at pinadadami ang bilang ng mga gustong manood ng obra ni Joel La­ma­ngan na nagtatampok sa isang kakaibang kuwento ng pag-ibig na bibigyan buhay nina Eddie Garcia, Gloria Romero at Tony Mabesa. Kasama at may mahahalagang roles sina Aiko Melendez, at Tirso Cruz lll. Pero, sa MMFF 2018 pa ito, sa Pasko, makapaghihintay ba sila? Matsa-challenge ang hunk actor na sumabay sa husay ng Kapuso actress sa pag-arte.

Bela gusto agad pakasalan ni sen. Win?!

Makaiwas kaya si Bela Padilla na maugnay kay Senador Sherwin ­Ga­tchalian ngayong nag-i-effort ang lahat ng staff nito  na makagawa ng paraan para magkakilala ang dalawa? Balitang ready for marriage na ang pulitiko at boto ang kampo ng senador sa aktres para kay Sen. Sherwin pero, boto at type din kaya ng aktres ang senador? Ito sana muna ang tiyakin ng mga nagma-matchmaker bago pa sila mag-isip ng isang kasalan.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with