Alfred parang doktor ang ugali!

Alfred at Jasmine

Para kay Alfred Vargas, performance is still the best campaign kaya love na love siya ng constituents niya sa District 5 ng Quezon City.

Nakikita kasi ng mga residente ng District 5 ang regular na pag-iikot ni Alfred sa distrito nila. Hindi siya kagaya ng ibang mga pulitiko na masipag lang mag-ikot dahil malapit na ang kampanya.

Si Alfred ang first congressman ng nagbukas ng district office sa Novaliches. Tuwing Lunes ang Scho­larship Day ni Alfred, para sa medical assistance ang Martes, Job Referral Day ang Miyerkules, Palupa at Pabahay Day ang Huwebes at People’s Day ang Friday.

Kapag People’s Day, si Alfred ang personal na humaharap at nakikipag-usap sa constituents niya.

Para siyang doktor na pinakikinggan ang lahat ng mga hinaing at suggestion ng mga kababayan niya sa District 5. Welcome ang lahat sa People’s Day at mga walk-in ang karamihan sa kanila.

Kadalasan, umaabot sa 200 ang bilang ng mga tao na kinakausap ni Alfred mula 10 am hanggang 3 pm. Hindi kailangan ng appointment ang People’s Day. Kung  gusto mo na makausap nang personal si Alfred, pumila ka lang sa district office dahil tiyak na paglalaanan ka niya ng panahon.

Ang nakakatuwa, gusto lang na magpa-picture na kasama siya ang kadalasan na pakay ng constituents ni Alfred.

Alfredo Cristiano IV ang ipapangalan ni Alfred at ng kanyang misis na si Yasmine sa baby boy nila na isisilang sa January 2019.

Alfredo ang pangalan ng lolo ni Alfred, ang ama nito ang junior at siya ang the 3rd.

Excited na si Alfred sa nalalapit na pagdating ng anak na bunso nila ni Yasmine na malamang na magsilang ng normal dahil normal delivery ang kanilang mga anak na sina Alexandra at Aryana.

Sa January 2019 ang due date ni Yasmine kaya puwede pa itong tumulong sa campaign ni Alfred na kakandidato uli na kongresista ng District 5 sa eleksyon sa May 2019.

Paolo nami-miss sa malamig na lugar si LJ

Out of the country si Paolo Contis dahil sa Iceland ang shooting nila ni Alessandra de Rossi para sa Through Night & Day na joint production venture ng Viva Films at Octoarts Films.

Sa November 14 ang playdate ng pelikula kaya ito muna ang pinagtutuunan ni Paolo ng panahon at atensyon.

Ang very cold weather sa Iceland ang dahilan para lalong ma-miss ni Paolo ang kanyang girlfriend na si LJ Reyes na buntis sa baby girl nila. Missed na missed na rin ni Paolo si Aki, ang anak ni LJ na tunay na anak ang trato niya.

Happy si Paolo dahil siya ang napili para maging love interest ni Alessandra sa Through Night & Day. Take note, mainstream at hindi indie movie ang Paolo-Alessandra starrer. Si Veronica Velasco ang direktor ng project at co-star nina Paolo at Alessandra si Joey Marquez na hindi nawawalan ng mga movie offer.

Cineko nakapila ang mga gagawin

Nakapila ang mga pelikula na gagawin ng CineKo Productions at isa sa mga project nito ang Mang Kepweng Adventures na muling pagbibidahan ni Vhong Navarro.

Ang CineKo Productions ang producer ng Mang Kepweng Returns, ang unang pelikula nila na si Vhong din ang bida na ipinalabas sa mga sinehan noong January 2017.

Maganda ang resulta sa box office ng Mang Kepweng Returns kaya nagtuloy-tuloy ang movie company ni Papa Enrico Roque sa pagpo-produce ng mga pelikula na malaking pabor sa local movie industry dahil marami ang nabigyan ng trabaho.

Show comments