^

PSN Showbiz

Jolo game sa balikan nila ni Lovi

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jolo game sa balikan nila ni Lovi
Jolo at Lovi

Nakausap namin si Jolo Revilla sa radio prog­ram namin sa DZRH nung kamakalawa ng gabi, at natawa na lang siya nang kinantiyawan namin tungkol sa closeness nila ni Lovi Poe.

Sabi naman ni Jolo, noon pa man ay close na sila ni Lovi, kaya huwag na raw lagyan ito ng malisya.

“Magkaibigan kami ever since naman. Kahit naman nung nag-break kami, yung friendship nandun pa rin. Nagkakumustahan kami,” pakli ng Vice Go­ver­nor ng Cavite.

Pero binanggit nga naming nasagap naming break na sina Lovi at ng boyfriend niya, open kaya siya sa posibleng pagbabalikan?

“Bakit hindi?” mabilis niyang sagot sa amin.

“Siguro mas magandang ano…siyempre fresh pa eh. Kahihiwalay ko lang, magkaibigan naman kami, huwag lang lagyan ng malisya. Pero bakit hindi?” dagdag niyang pahayag.

Sinundan namin ng tanong kung handa na ba siyang umibig muli. Nandun na ba siya sa moving on sa break-up nila ni Jodi Sta. Maria?

“Getting there,” pakli ni Jolo.

Samantala, nabasa namin sa Facebook account ng dating Sen. Bong Revilla na nag-post ang administrator niya kung gaano ito ka-proud sa pelikulang Tres ng mga anak niya.

Kinabukasan nga pagkatapos ng premiere night nung Linggo, dinalaw siya ni Jolo at naikuwento niya ang mga naganap nung gabing iyun. Tuwang-tuwa naman daw si Sen. Bong dahil nakarating ang daddy nila, ang dating senador Ramon Revilla Sr., at nagustuhan daw ang pelikula.

Sana magkaroon daw ng chance na mapanood ito ng Papa Bong niya.

“Alam ko matagal na niyang gustong panoorin ito, pero wala lang talagang chance dahil bawal pa sa loob.

“Hopefully soon mapanood niya, dahil talaga namang pinaghirapan namin,” sabi pa ni Jolo.

Ngayong araw na ang showing ng Tres sa mga sinehan at suportado pa ito ng mga close friends ng Revilla brothers dahil may mga binuo silang mga block screening.

Hindi lang sa Maynila kundi pati sa ilang probinsya, gaya ng Iloilo, Cebu, Davao at Naga. Dadaluhan ito nina Bryan, Luigi at Jolo Revilla.

Huli na nang mabuking…aktres na-inlove sa sariling kapatid na aktor!

Matatapos na ang Inday Will Always Love You at papalitan ito ng Pamilya Roces na dinirek ni direk Joel Lamangan.

Tungkol ito sa maraming pamilya na iisa lamang ang ama, kaya maraming makaka-relate dito pati ang ilang stars na bahagi ng bagong drama series na ito.

Ewan ko kung totoo ito at aamin ang isa sa mga artistang bahagi nitong Pamilya Roces.

Magaling siyang aktres na sinasabing anak pala ng isang kilalang showbiz icon na alam naman ng lahat na napakarami niyang pamilya.

Gamit daw ni aktres ang apelyido ng kinalakhan niyang ama na isang banyaga. Pero ang tunay daw niyang ama ay isang taong kilala sa showbiz na kung saan marami ring anak na nasa showbiz.

Ang kuwentong nakarating sa amin, itong si aktres daw ay na-deve­lop sa isang sikat na aktor na anak ng kilalang showbiz figure.

Nagkadebelopan na raw sila pero wala pang nangyari sa kanila.

Minsan daw aalis daw sana sila para mag-out of town o baka matuluyan sa pagtatanan.

Nagulat daw si aktres nang nakatanggap siya ng tawag mula sa isang malapit na kaibigan.

Tinanong daw siya ng kaibigan niyang iyun kung totoong aalis sila ng aktor na nakadebelopan niya. Nag-oo daw si aktres.

Sabi ng kaibigan niya, huwag itong ituloy dahil ang totoong kuwento, magkapatid sila nitong aktor.

Nalaman nga raw na ang totoo niyang tatay ay itong kilalang showbiz icon na ama nitong sikat na aktor.

May litrato raw nung sanggol pa siya na kalong nitong si showbiz icon na siyang tunay niyang ama.

Hindi ako sure kung totoo nga ito.

Susubukan kong itanong ito kay aktres na bahagi ng Pamilya Roces. Kung totoo nga ito, aaminin kaya niya?

Ilalahad kaya niya ang totoong kuwento ng buhay niya na hindi naman pala talaga siya tunay na anak ng kinalakhan niyang ama?

 

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with