Aga at Joanna best actor at actress sa luna awards!

Joana

SEEN: Natabunan ng mga ganap sa ABS-CBN Ball noong Sabado, September 29, ang mga positive review and feedback tungkol sa My 40 Years, ang anniversary concert ni Sharon Cuneta sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes, September 28.

SCENE: Higit na pinag-uusapan ang ABS-CBN Ball kesa sa 36th Luna Awards na ginanap noong September 29 sa Resorts World Manila pero hindi naramdaman.

SEEN: Best Picture sa 36th Luna Awards ang Ang Larawan, best director si Loy Arcenas (Ang Larawan), best actor si Aga Muhlach (Seven Sundays), best actress si Joanna Ampil (Ang Larawan), best supporting actress si Jasmine Curtis Smith (Siargao) at best supporting actor si John Arcilla (Birdshot).

SCENE: Si former ABS-CBN President Charo Santos-Concio ang recipient ng FPJ Lifetime Achievement Award ng 36th Luna Awards.

SEEN: May pagkakahawig ang mga gown nina Alice Dixson at Sarah Geronimo nang dumalo sila sa ABS-CBN Ball noong Sabado.

SCENE: Trying hard sexy star na nanga­ngailangan ng pansin ang projection ni Miss Universe Philippines Catriona Gray sa video niya bago siya rumampa sa red carpet ng ABS-CBN Ball.   

SEEN: Bumalik na ang young actor na si Marco Gallo sa Italy kaya hindi na siya makakatulong sa promo ng Familia Blondina, ang comedy movie na malapit nang ipalabas at pinagbibidahan ni Karla Estrada.

Show comments