Pagsasama ng mga Sang’gre at ni Victor Magtanggol, pinagtatalunan

Sang'gre

Pinag-uusapan ngayon ang pagsasanib-pwersa ng Victor Magtanggol at Encantadia.

Yup, nagkita kagabi ang mga bida ng GMA telefantasya sa primetime series ni Pambansang Bae Alden Richards. Kaya naman, kanya-kanya na silang hula sa social media kung paano magtutulu­ngan sina Victor (Alden), Pirena (Glaiza de Castro), Amihan (Kylie Padilla), Alena (Gabbi Garcia) at Danaya (Sanya Lopez) para matalo ang matinding kalaban ni Hammerman.

May nagsasabing bibigyan ng kapangyarihan ng mga diwata ang superhero, meron din namang nag-iisip na tuturuan ni Hammerman ang mga Sang’gre.

Kung anuman ‘yon, abangan natin ang mga pangyayari.

Show comments